ni Lolet Abania | November 16, 2021
Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang tatlong bagong P100 commemorative coins, kung saan tampok ang mga bayaning sina Teresa Magbanua, Mariano Ponce at General Emilio Aguinaldo.
Nabatid na sa mga BSP store, ang bawat P100 coin ay nagkakahalaga umano ng P350, habang mabilis itong nauubos dahil sa rami ng gustong makakuha nito.
“Like BSP-issued coins in general circulation, commemorative coins are deemed legal tender, unless these coins have been demonetized,” ayon sa pahayag ng BSP.
Marami sa mga lumabas nang commemorative coins ng BSP ay limitado lamang ang nagawa dahil sa mas mahal na uri ng materyales ang ginamit dito upang mas maging maganda ito at mainam para sa mga collectors nito.
“Most of these commemorative coins are minted from precious metals like gold and silver making them more extraordinary and more expensive,” paliwanag pa ng BSP.