top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 16, 2021



Tumaas ang cash remittances ng mga overseas Filipinos na idinaan sa banko noong Oktubre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)nitong Miyerkules.


Ayon sa BSP, mayroong 2.4 percent ang pagtaas o katumbas ng $2.812 bilyon mula sa $2.747 sa parehas na buwan noong nakaraang taon.


“The expansion in cash remittances was due to the increase in receipts from land-based and sea-based workers," pahayag ng central bank.


Lumago rin ang naitalang personal remittances mula sa overseas Filipinos na umabot sa $3.117 bilyon noong Oktubre o mataas ng 2.4 percent mula sa $3.044 bilyon sa parehas na panahon.


Ang mga bansang US, Taiwan at Malaysia ang may malaking kontribusyon sa pagtaas ng cash remittances mula Enero hanggang Oktubre.

 
 

ni Lolet Abania | December 14, 2021



Isa lamang test circulation ang bagong P1,000 banknote design na nagpapakita ng Philippine eagle kapalit ng tatlong Filipino war heroes, ayon sa Malacañang.


“Our P1,000 bill that shows the faces of our heroes and martyrs will not be demonetized,” sabi ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa isang press briefing ngayong Martes.


“This new design with polymer material is only for test circulation,” dagdag pa ni Nograles, nang tanungin na kung buburahin ang mga bayani sa Philippine banknotes ay magiging polisiya na ngayon ng administrasyong Duterte.


Maraming mambabatas at mga personalidad ang kumuwestiyon sa bagong disenyo ng P1,000 banknote, kung saan ang mga mukha nina Josefa Llanes Escoda, Vicente Lim at Jose Abad Santos ay inalis. Sina Escoda, Lim at Santos ay pinatay ng mga Japanese forces noong World War II, na nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa mga colonizers.


Ayon kay Nograles, batay aniya sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang test circulation ng bagong P1,000 bill ay magsisimula sa Abril 2022.


“The test circulation will be done to validate if the polymer material is environment friendly, more hygienic considering we are still facing a pandemic, or if it is more secure,” ani opisyal.


Gayunman, hindi pa batid ni Nograles kung hanggang kailan ang test circulation na ipapatupad, at kung ang mga mukha ng tatlong bayani ay muling ire-restore matapos ang test circulation period.


“The new design for banknotes is cyclical and is done in validating advantages of the polymer material, with the assurance that the existing P1,000 bill with the faces of our heroes will not be demonetized,” paliwanag pa ni Nograles.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 24, 2021



Hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko na gamitin ang kanilang digital wallets sa pamamahagi ng cash gifts o aguinaldo sa kanilang pamilya at mga kaibigan ngayong nalalapit na holiday season.


Ipinahayag ni BSP Governor Benjamin E. Diokno na ang electronic fund transfers ay safe, affordable, at convenient na paraan ng pag-transfer ng pera.


"Digital wallets offer a safe, secure, efficient, and convenient way to transfer funds to family and friends during this season of giving," ani Diokno.


Ito rin ay inirerekomenda upang maiwasan ang physical contact at virus transmission sa pagitan ng magbibigay at bibigyan.


“This will allow the Filipino tradition of giving aguinaldo to family, friends, and significant others to continue despite restrictions on mobility and face-to-face gatherings,” pahayag pa ng BSP.


Isa ang digital banking sa mga prayoridad ngayon ng BSP para sa makabagong paraan ng mga transaksiyon.


Target ng BSP na sa 2023 ay gawing digital na ang at least half ng transactions upang ma-promote ang mas inclusive at tech savvy na ekonomiya ng Pilipinas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page