top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Sep. 29, 2024



News Photo

Naitala ang hindi bababa sa 66 na namatay sa Nepal mula noong maagang bahagi ng Biyernes dahil sa pagbaha at mga landslide mula sa tuloy-tuloy na pag-ulan.


Iniulat naman nitong Sabado na may karagdagang 69 na nawawala at 60 na nasugatan, ayon kay Dil Kumar Tamang, opisyal ng Ministry of Home Affairs.


Naganap ang karamihan ng pagkamatay sa Kathmandu valley, na tahanan ng 4 milyong tao, kung saan pinahinto ng pagbaha ang daloy ng trapiko. Daan-daang mga tao ang namamatay taun-taon sa panahon ng tag-ulan dahil sa mga landslide at biglang pagbaha.


Mula sa kalagitnaan ng Hunyo, hindi bababa sa 254 na tao ang namatay, kasama ang 65 na nawawala mula sa mga landslide, pagbaha, at mga pagtama ng kidlat.








 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 22, 2023





Lumikas ang halos 20 na pamilya sa Glan, Sarangani dahil sa malalaking pinsala sa lupa matapos ang lindol na may 6.8 magnitude noong nakaraang linggo, ayon kay Mayor Victor James Yap Sr. ngayong Miyerkules.


"For those na maraming bitak, hindi na po namin pinapabalik," sabi ni Yap sa ANC. "Hinahanapan na po namin sila ng malilipatan nila, mapapagtayuan ng kanilang mga bahay."


Sinabi ng alkalde na prayoridad ng kanilang administrasyon ang pagtatayo muli ng mga 2,000 na bahay sa bayan na naapektuhan ng malakas na lindol.


Nanawagan ng tulong si Yap sa pambansang pamahalaan dahil P7 milyon na lamang ang laman ng kanilang calamity quick response fund at labis ang pinsala ng municipal hall mula sa lindol.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 21, 2023





Nagdulot ng pagbaha sa mga lalawigan ng Northern at Eastern Samar dahil sa pag-ulan na dulot ng shear line, ngayong Martes.


Patuloy na binabaha ang kabuuang 55 barangay sa bayan ng Catarman na siyang kabisera ng Northern Samar.


Nagdulot ang 12 oras na walang-tigil na pag-ulan ng mga 2 metro ng baha sa mga mababang lugar, na nagtulak sa mga residente na gumamit ng mga bangka habang naglalakbay sa bayan.


Patuloy naman ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng mga operasyon sa pag-rescue sa buong bayan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page