top of page
Search

ni Lolet Abania | November 5, 2020



Nagkaloob ang Department of Health (DOH) ng P20 million na financial assistance sa mga ospital at mga lugar na matinding tinamaan ng Super Typhoon Rolly.


Ayon kay DOH Usec. Rosario Vergeire, nagbigay ng tulong ang ahensiya sa tatlong DOH hospitals at mga apektadong lugar at siyudad sa Bicol region.


Ang mga nakatanggap ng aid na mga ospital ng DOH ay ang mga sumusunod:


* Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi, Albay (P5 million)

* Bicol Medical Center sa Naga City, Camarines Sur (P5 million)

* Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Cabusao, Camarines Sur (P2 million) Gayundin, nagbigay ang ahensiya ng P2 million sa lalawigan ng Camarines Sur, habang ang Albay at Catanduanes ay nakatanggap naman ng P1.5 million bawat isa.


Sa Naga City, nagkaloob ang ahensiya ng P1.2 million, habang sa Camarines Norte, Masbate at Sorsogon ay mayroong P600,000 bawat isa.


Samantala, ang Bagyong Rolly ang pinakamalakas na cyclone na tumama sa bansa ngayong taon, kung saan apektado nang husto ang Luzon, nagdulot ng 20 katao na namatay, 74 nasugatan at tatlo pa ang nawawala, ayon sa pinakabagong naiulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 3, 2020




Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko sa panahon ng kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Rolly sa ilang parte ng bansa na kumitil ng mga buhay at sumira ng mga kabahayan.


Nasa Davao City si P-Duterte nang dumating ang Bagyong Rolly sa Luzon at hindi siya nakadalo sa Cabinet briefing noong Linggo, dahilan nang mabilis na pag-trending sa social media ng hashtag “#NasaanAngPangulo.”


Saad ni P-Duterte, "Iyong nagsabi na wala ako rito kasi wala, nasa probinsiya, so, what's your problem? Ang mga papeles, ipinadala, tapos pinirmahan ko. Ipadala ko ulit. Eh, machine lang naman ‘yan.


"Do you want me to stand doon sa white sand ni [Environment Secretary] Roy Cimatu just to see that I am here?" Matatandaang binisita ni P-Duterte ang puntod ng kanyang magulang nang umuwi siya sa Davao.


Aniya, "Kaya nga ako nauwi. Itong mga ugok naman, sinabi na wala ako. I was waiting for the typhoon to pass, then lumipad ako. "You know, kung wala kayong patay, okay lang. Kami, may mga patay, kailangan umuwi kami doon sa amin.”


 
 

ni Lolet Abania | November 1, 2020




Patuloy na nananalasa ang Bagyong Rolly na may international name na ‘Goni’ kung saan ang sentro ng mata nito ay nag-landfall sa Bato, Catanduanes kaninang alas-4:50 ng umaga, ayon sa PAGASA.


Nagpalabas din ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 5 sa mga sumusunod na lugar:

• Catanduanes

• Albay

• Eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Calabanga, Siruma, Tigaon, Bombon, Magarao, Camaligan, Gainza, Canaman, Milaor, Naga City, Minalabac, Balatan, Bula, Pili, Ocampo, Goa, San Jose, Sagnay, Buhi, Iriga City, Baao, Nabua, Bato) Makakaranas ang mga lugar sa Signal No. 5 ng malalakas na bugso ng hangin na aabot sa mahigit 220 km/h sa tinatayang 12-oras.


"The situation is potentially very destructive to the community. All travels and outdoor activities should be cancelled. Evacuation to safer shelters should have been completed since it may be too late under this situation, " ayon sa PAGASA.


Para sa TCWS No. 4, ang mga sumusunod na lugar:

• Camarines Norte

• Natitirang bahagi ng Camarines Sur

• Northern portion ng Sorsogon (Donsol, Pilar, Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Juban, Casiguran, Magallanes)

• Burias Island

• Central at southern portions ng Quezon (Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Gumaca, Pitogo, Macalelon, Catanauan, General Luna, Mulanay, San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista, Lopez, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez)

• Marinduque

• Northern portion ng Romblon (Concepcion, Corcuera, Banton) Makakaranas ang mga lugar na nasa TCWS No. 4 ng bugso ng hangin na aabot sa mahigit 171 km/h hanggang 220 km/h sa tinatayang 12-oras. Para sa TCWS No. 3, ang mga sumusunod na lugar: Luzon

• Natitirang bahagi ng Sorsogon

• Northern portion ng Masbate (Mobo, Masbate City, Milagros, Uson, Baleno, Aroroy, Mandaon) kabilang ang Ticao Island

• Natitirang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Island

• Laguna

• Batangas

• Cavite

• Rizal

• Metro Manila

• Bulacan

• Pampanga

• Bataan

• Southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, Olongapo City, Subic, Castillejos, San Antonio, San Narciso, Botolan, Cabangan)

• Central portion ng Romblon (Calatrava, San Andres, San Agustin, Romblon, Magdiwang, San Fernando, Cajidiocan)

• Northern portion ng Occidental Mindoro (Sablayan, Mamburao, Santa Cruz, Abra de Ilog, Paluan) kabilang ang Lubang Island

• Northern portion ng Oriental Mindoro (Bongabong, Gloria, Bansud, Pinamalayan, Socorro, Pola, Victoria, Naujan, Calapan City, Baco, San Teodoro, Puerto Galera) Visayas

• Northern Samar Makakaranas ang mga lugar sa ilalim ng TCWS No. 3 ng bugso ng hangin ng mahigit sa 121 km/h hanggang sa 170 km/h sa tinatayang 18-oras. Para sa TCWS No. 2, ang sumusunod na lugar: Luzon

• Aurora

• Nueva Vizcaya

• Quirino

• Benguet

• La Union

• Pangasinan

• Natitirang bahagi ng Zambales

• Tarlac

• Nueva Ecija

• Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro

• Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro

• Natitirang bahagi ng Romblon

• Natitirang bahagi ng Masbate Visayas

• Northern portion ng Samar (Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas, Hinabangan, San Sebastian, Tarangnan, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao, Gandara, Santa Margarita, Calbayog City, Santo Nino, Almagro, Tagapul-An) • Northern portion ng Eastern Samar (San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

• Ang extreme northern portion ng Antique (Pandan, Libertad, Caluya)

• Northwestern portion ng Aklan (Buruanga, Malay, Nabas, Ibajay) Makakaranas ang mga lugar na nasa TCWS No. 2 ng bugso ng hangin ng mahigit sa 61 km/h hanggang 120 km/h sa susunod na 24-oras. Para sa TCWS No. 1, ang mga sumusunod na lugar: Luzon • Mainland Cagayan

• Isabela

• Apayao

• Kalinga

• Mountain Province

• Ifugao

• Abra

• Ilocos Norte

• Ilocos Sur

• Calamian Islands Visayas

• Natitirang hilagang bahagi ng Antique (Sebaste, Culasi, Tibiao, Barbaza, Laua-An)

• Natitirang bahagi ng Aklan, Capiz, northern portion ng Iloilo (Lemery, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles)

• Northern portion ng Cebu (San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kabilang ang Bantayan Islands

• Biliran

• Natitirang bahagi ng Samar

• Natitirang bahagi ng Eastern Samar

• Northern portion ng Leyte (San Isidro, Tabango, Villaba, Matag-Ob, Palompon, Ormoc City, Pastrana, Palo, Calubian, Leyte, Kananga, Capoocan, Carigara, Jaro, Tunga, Barugo, Alangalang, Santa Fe, Tacloban City, Babatngon, San Miguel)


Makakararanas ang mga lugar na nasa TCWS No. 1 ng bugso ng hangin nang 30-60 km/h ng tinatayang 36-oras at pagbuhos ng ulan ng 36-oras.


Pinapayuhan ang lahat na maging mapagmatyag at mag-ingat sa mga pagbaha at landslides.


Samantala, nagsasagawa na ng relief operations para magbigay ng mga pagkain at pangangailangan sa mga kababayan ang mga alkalde at opisyal ng gobyerno sa iba’t ibang lugar sa bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page