top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 24, 2021



Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Fabian bandang alas-11:00 kagabi ngunit ayon sa PAGASA, patuloy na nakararanas ng matinding pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa sa nakalipas na 24 oras dahil sa Southwest Monsoon.


Huling namataan ang sentro ng mata ng Bagyong Fabian sa 640 km North-Northeast ng Itbayat, Batanes sa labas ng PAR na may lakas ng hangin na umaabot sa 140 km/h at pagbugsong umaabot sa 170 km/h.


Wala na ring naitalang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga lugar sa bansa.


Samantala, patuloy na pinalalakas ng Bagyong Fabian ang Southwest Monsoon kaya makararanas ng pag-ulan ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, ilang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at ilang bahagi ng Western Visayas.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 22, 2021



Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Batanes at Babuyan Island dahil sa Bagyong Fabian.


Sa Tropical Cyclone Bulletin No. 23, ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng mata ng Bagyong Fabian sa 530 km Northeast ng Itbayat, Batanes (23.5°N, 126.1°E) na may Maximum sustained winds na umaabot sa 150 km/h malapit sa sentro nito at pagbugsong aabot sa 185 km/h.


Hindi man umano magdadala ng malakas na pag-ulan ang Bagyong Fabian, pinalalakas naman nito ang Southwest Monsoon kaya ayon sa PAGASA, makararanas ng pag-ulan ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, at northern portion ng Palawan kabilang na ang Calamian at Kalayaan Islands “in the next 24 hours.”


Samantala, ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Fabian bukas nang gabi o sa Sabado nang umaga.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 19, 2021



Bahagyang lumakas ang Bagyong Fabian ngayong Lunes nang umaga at malapit nang maging “severe tropical storm category”, ayon sa PAGASA.


Ayon sa 5:00 AM Tropical Cyclone Bulletin No. 11 ng PAGASA, huling namataan ang TS Fabian sa 1,090 km East Northeast ng Extreme Northern Luzon taglay ang hanging may lakas na 85 km/h malapit sa sentro nito at may pagbugsong aabot sa lakas na 105 km/h.


Sa ngayon ay wala pang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signals at ayon sa PAGASA, “‘FABIAN’ is unlikely to bring heavy rainfall in the country throughout the forecast period.”


Samantala, dahil sa Southwest Monsoon na pinalalakas ng TS Fabian at isa pang Tropical Depression na namataan sa 900 km West ng Extreme Northern Luzon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), mararanasan ang monsoon rains “in the next 24 hours” sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.


Inaasahang lalabas ang TS Fabian sa PAR bukas nang gabi o sa Miyerkules nang umaga.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page