top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | Nov. 14, 2024



Photo: NikaPH / Cagayan PIO


Hindi pa rin madaanan ang hindi bababa sa limang national roads sa Hilagang Luzon, na naapektuhan ng mga Bagyong Nika at Ofel, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong Huwebes.


Iniulat ng DPWH Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) na ang mga apektadong bahagi ay nasa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley Region.


Sa CAR, naharangan ng landslide ang Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road, at ang Lubuagan-Batong-Buhay Road ay sarado dahil sa pagdaloy ng mga debris.


Apektado rin ang JCT Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road dahil sa pagguho ng lupa. Sa Cagayan Valley, nananatiling may baha sa Sampaguita-Warat-Suerte-Catarauan-Afusing Road, at ang Cagayan-Apayao Road sa Itawes Overflow Bridge ay hindi madaanan dahil sa nasirang tulay.


Nagtatrabaho ang DPWH Disaster and Incident Management Teams (DIMT) upang linisin ang mga naharang na kalsada, habang 18 pang kalsadang apektado ng bagyo ang muling binuksan.

 
 

ni Angela Fernando @News | Nov. 4, 2024



Photo: Presidential Communications Office 


Umabot na sa halos P6-bilyon ang pinsala sa agrikultura na dulot ng mga bagyong Kristine at Leon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


May kabuuang P5,913,505,507 na ang pinsala sa agrikultura matapos maapektuhan ng mga bagyo ang 111,411 magsasaka at mangingisda, at kabuuang 92,892 ektarya ng taniman.


Iniulat naman na ang pinsala sa mga imprastruktura ay nagkakahalaga ng P7,450,162,651.


Samantala, ipinaalam ng NDRRMC na nananatili sa 150 ang bilang ng mga nasawi dahil sa mga bagyong Kristine at Leon, 20 ang nawawala at 143 ang nasugatan.

 
 

ni Eli San Miguel @News | Oct. 31, 2024



Photo: PCO / OOTP


Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng mahigit P9 bilyon na pinsala sa imprastruktura at agrikultura dulot ng Bagyong Kristine at Leon sa Luzon, Visayas, at Mindanao.


Nagpapakita ang pinakahuling ulat ng NDRRMC ng kabuuang 150 na nasawi mula sa Bagyong Kristine at Leon, may 29 na nawawala, at tinatayang 7.4 milyong tao ang nawalan ng tirahan.


Ipinapakita ng datos na nasa P6.4 bilyon ang pinsala sa imprastruktura at P2.9 bilyon sa agrikultura, na pangunahing dulot ng malawakang pagbaha sa Bicol, Calabarzon, at iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page