ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 14, 2020
Pinutakti ng kritisismo si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos kumalat sa social media ang video kung saan makikitang nagbi-videoke siya habang marami ang nangangailangan ng tulong dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Ipinost ng isang netizen sa Twitter ang naturang video na may caption na: “THIS WAS TAKEN LAST NIGHT HERE IN BAGUIO. IT GOES TO SHOW THAT THE PEOPLE WHO HAVE THE POWER DOESN’T REALLY CARE ABOUT THEIR FELLOWMEN.”
Biyernes nang gabi umano nang makunan ng video si Roque, kasabay ng pagmamakaawa ng mga residente ng Cagayan at Isabela para maisalba ang kani-kanyang buhay matapos ma-trap dahil sa matinding pagbaha.
Depensa naman ni Roque, “Just when I thought I could unload a little after a hectic week/s, my unremarkable singing as a means of unloading goes public and I get a beating.”
Aniya pa, “Having said this, let us go back to the most pressing matter at the moment, which is providing the much-needed assistance to our distressed brothers and sisters in the aftermath of Typhoon Ulysses. “As I speak, my family and I are preparing/repacking 600 bags of rice for donation in Alcala, Cagayan Valley where my friend and previous law partner and his family reside. Let us unite, help, and be kind to our fellow Filipino.”
Samantala, malaki ang pinsalang naidulot ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa Bicol, Metro Manila, Central Luzon, Cagayan Valley region, atbp. lugar at ayon sa Department of Agriculture, tinatayang aabot sa P1 billion ang agricultural damage.