top of page
Search

ni Lolet Abania | December 20, 2020




Nagpositibo sa test ang Baguio-based National Artist na si Kidlat Tahimik sa COVID-19, matapos ang kanyang partisipasyon sa Ibagiw Festival noong nakaraang buwan.


"On December 11, a routine swab test at the Triage at the Baguio Convention Center diagnosed this National Artist to be POSITIVE for COVID-19," ayon sa Facebook post ng Baguio Chronicles ngayong Linggo, kung saan sumailalim na sa "self-imposed quarantine" si Tahimik.


 
 

ni Thea Janica Teh | December 2, 2020



Ipinasara muli ang kabubukas lang na Night Market sa Harrison Road sa Baguio City matapos dumugin ng mga mamimili sa kabila ng pinaiiral na distancing protocol ngayong panahon ng pandemya.


Ayon kay Baguio Tourism Officer Alec Mapalo, hindi nito inaasahan ang pagdumog ng tao.


Aniya, "Medyo kinabahan kami. We did not expect na napakalaking turnout but I think it just shows how people are really kept for so long in their homes and been wanting to go out and having fun outside.”


Aaralin na ng Baguio City Public Information Office ang mga solusyon upang mapanatili ang pagsunod sa health protocols at hindi maulit ang insidente.


Agad namang inako ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang insidente at sinabing ipasasara agad ang pamilihan na maaaring maging dahilan ng pagkalat ng virus.


Kilala ang Night Market na ito dahil sa mga murang bilihin tulad ng mga pagkain at damit.

 
 

ni Thea Janica Teh | November 18, 2020




Kinilala ng OCTA Research group bilang “hotspot of serious concern” ang dalawang lungsod at 7 lugar at itinuring na high-risk area sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.


Ang 2 lungsod ay ang Baguio City at Davao City na patuloy na nakapagtatala ng mataas na bilang ngayong Nobyembre. Sa katunayan, nakapagtala ang Davao City ng 104 kaso kada araw simula Nobyembre 8 hanggang 14, habang 44 kada araw naman sa Baguio City.


Nagbabala ang OCTA sa mga nabanggit na lungsod dahil naabot na nito ang 80% hospital capacity at maaaring makaranas ng hospital burden sa mga susunod na linggo.


Kaya naman, pinapayuhan na mas paigtingin ang testing, contact tracing at isolation upang maiwasan ang pagkalat ng virus.


Samantala, kabilang naman sa 7 kinilalang “high risk” area ang mga sumusunod: * Makati * La Trinidad, Benguet * Itogon, Benguet * Batangas City * Lucena, Quezon * Lopez, Quezon * Pagadian, Zamboanga del Sur.


Ang basehan ng OCTA para makabilang dito ay ang bilang ng pagtaas ng kaso sa isang araw, mataas na positivity rate, attack rate at hospital capacity.


Sa ngayon ay may kabuuang bilang na 412,097 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos magdagdag ng 1,383 ngayong Miyerkules.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page