ni Lolet Abania | January 31, 2021
Naitala ang pinakamalamig na temperatura ngayong Linggo sa Baguio City mula pa sa ginawang monitoring ng PAGASA noong mga 'Ber’ months.
Ayon sa PAGASA, bumagsak ang temperatura sa lungsod ng 9.4 degrees Celsius bandang alas-6:30 ng umaga.
Bunsod umano ang malamig na panahon ng hanging amihan. Batay din sa ulat ng PAGASA, posibleng bumaba pa ang temperatura sa mga susunod na araw.
Samantala, muling nagbukas sa publiko ang Baguio City noong Oktubre matapos na magpatupad ng lockdown sa lungsod dahil sa COVID-19 pandemic.
Isa sa mga pinakatanyag na tourist destinations sa bansa na kilala bilang City of Pines at Summer Capital of the Philippines ang Baguio City.