top of page
Search

ni Lolet Abania | July 20, 2021



Nasa 35 katao ang namatay habang marami ang sugatan matapos pasabugin ng isang suicide bomber ang mataong palengke ng Sadr City, karatig ng Baghdad, Iraq, nitong Lunes nang gabi bago ang pagdiriwang ng Eid al-Adha.


Ayon sa mga awtoridad, mahigit sa 60 indibidwal ang malubhang nasugatan dahil sa insidente.


Inamin naman ng Islamic State na sila ang responsable sa pag-atake, batay sa Nasheer news agency sa isang telegram, kung saan pinasabog ng isa sa kanilang mga militants ang kanyang explosive vest sa karamihan na nasa pamilihan.


Base rin sa hospital sources, posibleng madagdagan ang bilang ng mga nasawi sa insidente dahil ilan sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kondisyon.


Agad namang nagpatawag ng pulong si Prime Minister Mustafa al-Kadhimi sa kanyang top security commanders upang resolbahin ang naganap na pag-atake.


Gayundin, nag-post si President Barham Salih sa kanyang Twitter account na nagsasabing: “With an awful crime they target civilians in Sadr City on the eve of Eid ... We will not rest before terrorism is cut off by its roots.”


Matatandaang noong Abril, ang Sunni Muslim militant group Islamic State ay umaming responsable sa pagsabog ng isang kotse sa isang palengke rin ng Sadr City, sa Shi’ite Muslim karatig ng Baghdad kung saan 4 katao ang nasawi at 20 ang sugatan.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 26, 2021



Umakyat na sa 82 ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi sa sunog sa COVID-19 hospital sa Baghdad at 110 ang sugatan, ayon sa Interior Ministry spokesman.


Sumiklab ang sunog noong Sabado sa Ibn Khatib hospital sa Diyala Bridge area matapos sumabog ang oxygen cylinder tank dahil umano sa maling storage nito.


Dahil sa insidente, nanawagan din si Interior Ministry Spokesman Khalid al-Muhanna na i-review ang safety measures ng lahat ng ospital upang maiwasan ang ganitong pangyayari.


Aniya, "We urgently need to review safety measures at all hospitals to prevent such a painful incident from happening in future.”


Ipinag-utos naman ni Prime Minister Mustafa al-Kadhimi ang imbestigasyon sa insidente.


Aniya, "Such an incident is evidence of negligence and therefore I directed that an investigation be launched immediately and for the hospital's manager and the heads of security and maintenance to be detained along with all those concerned until we identify those negligent and hold them accountable.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 25, 2021



Tinatayang aabot sa 27 katao ang namatay at 46 ang sugatan nang masunog ang COVID-19 intensive care unit ng isang ospital sa southeastern Baghdad, Iraq noong Sabado.


Ayon sa ulat, sumabog na oxygen cylinder tank ang sanhi ng sunog sa Ibn Khatib Hospital sa may Diyala Bridge area dahil umano sa maling storage nito.


Marami ang dumating na ambulansiya at inilipat ang mga pasyente sa ibang pasilidad kabilang na ang mga hindi napuruhan.


Ayon sa head of Iraqi civil defense unit, nagsimula ang sunog sa palapag na nakatalaga para sa pulmonary intensive care unit at aniya ay “90 people out of 120” ang na-rescue sa insidente.


Samantala, sa kabuuang bilang ay nakapagtala ang Iraq ng 1,025,288 kaso ng COVID-19 at pumalo na sa 15,217 ang death toll, ayon sa health ministry ng naturang bansa noong Sabado.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page