ni BRT | July 3, 2023
Sa paggunita ng World Day Against Child Labor, namahagi ang Department of Labor and Employment ng livelihood starter kit sa mga pamilya ng child laborer sa Nueva Ecija.
Ayon kay DOLE Nueva Ecija Chief Labor and Employment Officer Maylene Evangelista, pauna pa lamang ito na pagkakaloob ng mga sari-sari store package sa halos 100 target na benepisyaryo sa lalawigan.
Ang nasabing livelihood package ay nagkakahalaga ng P20,000 para sa isang pamilya.
Ayon sa DOLE, layon ng gobyerno na makatulong para mabago ang antas ng pamumuhay ng mga benepisyaryo at matapos na ang maagang paghahanapuhay ng mga menor-de-edad at kanilang masulit at maranasan ang masayang pagkabata.
Magbibigay din umano ang kagawaran ng mga gamit sa eskwela at mga grocery package katuwang ang mga lokal na pamahalaan.
Nagsasagawa rin ang ahensya ng mga talakayan hinggil sa Child Labor.