top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 12, 2021




Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na wala pang naiulat na nakaranas ng blood clot sa bansa matapos mabakunahan ng AstraZeneca kontra COVID-19, ayon sa panayam kay FDA Director General Eric Domingo ngayong Lunes nang umaga, Abril 12.


Aniya, "So far po, ang ating National Adverse Events Following Immunization Committee, sumulat kahapon na wala naman daw na any cases reported ng blood clotting na connected sa bakuna dito sa atin."


Samantala, inianunsiyo naman ng Prime Minister ng Australia na si Scott Morrison sa kanyang Facebook post na hindi na nila ituturok ang second dose ng AstraZeneca sa mga una nitong nabakunahan dahil sa banta ng blood clot, bagkus ay inirerekomendang gamitin na lamang ang gawa ng Pfizer.


Ayon kay PM Morrison, “The Government has also not set, nor has any plans to set any new targets for completing first doses. While we would like to see these doses completed before the end of the year, it is not possible to set such targets given the many uncertainties involved.”


Batay din sa orihinal na plano ng Australia, tinatarget nilang mabakunahan ang buong populasyon ng bansa sa katapusan ng Oktubre, kaya dinoble nila ang pag-order sa bakunang Pfizer.


“At the end of this past week, it’s also important to note that more than 142,000 doses have been administered to our aged care residents, in more than 1,000 facilities, with over 46,000 of these now being second dose in over 500 facilities,” sabi pa ni PM Morrison.


Sa ngayon ay wala pa ring suplay ng AstraZeneca na dumarating sa ‘Pinas, gayunman patuloy pa ring binabakunahan ang mga senior citizens gamit ang Sinovac kontra COVID-19.


Paliwanag pa ni FDA Director Domingo, "Hindi naman natin itinigil sa senior citizen. Sabi lang natin, 'yung 59 and below, tingnan muna natin ang datos para lang may complete information ang magbabakuna at babakunahan."

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 9, 2020



Patay ang isang surfer matapos atakihin ng isang pating sa Greenmount Beach, Gold Coast, Australia nitong Martes.


Ayon sa mga rescuers, rumesponde sila matapos makita ang surfer na lumulutang sa naturang beach.


Saad ng Queensland Ambulance Service spokesman, "Paramedics assessed the male patient for critical injuries and unfortunately, the gentleman had succumbed to those injuries.”


Ayon din sa ilang nakasaksi sa insidente na tumulong sa pag-ahon sa surfer, mayroong “big part” na nawala sa kaliwang binti ng biktima.


Ayon sa Australian Shark Attack File, ito ang pampitong fatal shark attack na naganap sa

Australia ngayong taon.

 
 

ni Thea Janica Teh | August 31, 2020



Isang Pilipinong naninirahan sa Australia ang humihingi ng tulong kay Pangulong Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. matapos umanong kidnapin ang dalawang anak ng mga social workers mula sa New South Wales Department of Communities and Justice (DCJ).


Si Inocencio Garcia ay isang Filipino citizen na 25 taon nang naninirahan sa Australia at

ngayon ay nakikipaglaban sa custody ng kanyang dalawang anak. Kinidnap umano ang mga ito ng social workers sa DCJ sa Mount Druitt, Blacktown City sa Greater Sydney

metropolitan area sa New South Wales.


Ito ay nagsimula noong 2014 nang pumunta ang acting case manager na si Kayleigh

Wotherspoon sa kanilang bahay at dinakip ang dalawa nitong anak na sina Jennifer (3 ½

years old) at James (2 ½ years old). Siya ay nagtatrabaho noon at wala sa kanilang bahay.


Ang insidenteng ito ay konektado sa request ni Garcia na imbestigahan ang tiyuhin ng

kanyang asawa dahil inabuso umano ang kanyang asawa sa edad na 14 taon. Ngunit, imbes na mag-imbestiga ay dinakip umano ang kanyang mga anak.


Sinabi rin ni Garcia na puro kasinungalingan ang mga sinasabi ni Wotherspoon tulad ng

alegasyon na child abuse at malnutrisyon. Ginamit lamang umano ang lahat ng alegasyong ito upang madakip ang kanyang mga anak. Napag-alaman din nitong nakararanas ng depresyon at pananakit ang mga anak niya sa pangangalaga ng social worker.


Umabot na sa 7 taon ang kaso ngunit wala umanong nangyayari. Kaya naman humihingi na ito ng tulong kay Pangulong Duterte at Secretary Locsin para makuhang muli ang kanyang mga anak.


Aniya, “I know fighting justice for my children against the Australian government is like

looking for a needle in a haystack. A lawsuit entails legal cost, but when I toss a coin in the air, I am hoping for the favorable outcome, I am dreaming of some magical rose garden over the horizon for my two children. As they say, hope springs eternal.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page