top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 7, 2021



Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang 2,520 reams ng sigarilyo na tinatayang aabot sa halagang P4 million na idineklarang paper hand towels, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Ayon sa BOC, bound for Australia ang naturang reams ng sigarilyo.


Saad pa ng BOC, “Records show that the shipment was commissioned for export by a local company based in Novaliches, Quezon City, to South Geelong Victoria, Australia.”


Napag-alaman umano na ang idineklarang paper hand towels ay mga sigarilyo sa isinagawng physical examination ng Trade Control Examiner.


Pahayag pa ng BOC, naghain na rin ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa mga sangkot sa naturang shipment sa paglabag sa Section 1400 (Misdeclaration) at Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) in relation to Section 117 (Regulated Importation and Exportation) of the Customs Modernization and Tariff Act.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 21, 2021



Napagkasunduan ng Japan at Pilipinas ang pagkakaisa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Asia-Pacific region at nagpahayag naman ang Australia ng suporta sa pagkapanalo ng bansa sa 2016 arbitral ruling sa West Philippine Sea (WPS).


Pahayag ng Japanese Embassy, “(Prime Minister Yoshihide Suga) expressed his opposition to the continued and strengthened unilateral attempts to change the status quo in the East China Sea and the South China Sea.


“(Suga) shared grave concerns about recent developments in China, including the Coast Guard Law.”


Pahayag naman ni Australian Ambassador Steven Robinson, “We are strong supporters of the arbitral award. And of course, we hold with the Philippines’ position as outlined at the UN.”


Ayon din kay Robinson, dapat sundin ng China ang United Nations Convention on the Law of the Sea kung saan maaaring dumaan sa South China Sea ang mga barko ng iba’t ibang bansa para sa kalakalan.


Aniya ay 65% ng international trade ng Australia ang dumadaan sa South China Sea.


Saad pa ni Robinson, “Australia has taken a very long-standing principled position about the South China Sea. It’s really important to us that there will be unimpeded trade and freedom of navigation… There have been rules and norms and laws that have been put in place after many years subscribed to by basically all countries in the world that support a rules-based approach to the law of the sea… governing how we all use those critical waterways, not just in the South China Sea but all international waterways.”


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 24, 2021




Isinailalim sa 3-day lockdown ang ilang bahagi ng Western Australia dahil sa mabilis na community transmission ng COVID-19, kung saan ang itinuturong carrier ay isang biyahero na unang nagnegatibo sa virus ngunit kalauna’y nagpositibo matapos makalabas sa Perth quarantine hotel, ayon kay Australian Medical Association (AMA) President Omar Khorshid ngayong araw, Abril 24.


Aniya, "Everything that can be done in hotel quarantine needs to be done right now and, unfortunately, in Western Australia as in some other states, that is not the case."


Kabilang ang Australia sa mga bansang may mabababang kaso ng COVID-19, kung saan lumabas sa datos na halos 29,500 ang lahat ng nagpositibo at tinatayang 910 ang mga pumanaw mula nang magka-pandemya.


Sa ngayon ay tanging mga essential workers at medical frontliners lamang ang pinapayagang makalabas ng bahay. Nauna nang kinansela ang taunang selebrasyon ng Anzac Day na nakatakda sanang ipagdiwang bukas.


Na-postpone rin maging ang inaabangang A-League soccer match sa pagitan ng Brisbane Roar FC at Perth Glory.


Samantala, tuloy naman ang Australian football game sa pagitan ng Fremantle at North Melbourne, subalit ipinagbawal ang live audience.


Ngayon ang unang araw ng 3-day lockdown sa Western Australia at inaasahang makatutulong ang lockdown upang maiwasan ang mabilis na hawahan ng virus.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page