top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 22, 2024


Dear Chief Acosta,


Nabuntis ang anak ko ng kanyang nobyo. Gusto nilang magpakasal pero pareho silang menor-de-edad. Kung magpapakasal sila kaagad, may bisa ba ito o wala? – Kim


Dear Kim,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Artikulo 2, 4, at 5 ng “The Family Code of the Philippines”, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:


“Art. 2. No marriage shall be valid, unless these essential requisites are present:


(1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; and


(2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer. 


Art. 4. The absence of any of the essential or formal requisites shall render the marriage void ab initio, except as stated in Article 35 (2).


A defect in any of the essential requisites shall render the marriage voidable as provided in Article 45.


An irregularity in the formal requisites shall not affect the validity of the marriage but the party or parties responsible for the irregularity shall be civilly, criminally and administratively liable.”


Art. 5. Any male or female of the age of eighteen years or upwards not under any of the impediments mentioned in Articles 37 and 38, may contract marriage.” 


Batay sa mga nabanggit, ang legal na kapasidad ng mga magpapakasal ay isa sa mga essential requisites ng kasal. Kaugnay nito, ang edad ng mga magpapakasal ay dapat 18 taong gulang at pataas. Ang kawalan nito ay magpapawalang-bisa sa kasal.


Samakatuwid, kung magpapakasal agad ang iyong anak at kanyang nobyo ay magiging walang bisa ito dahil pareho pa silang menor-de-edad.  


Bukod sa kawalan ng bisa ng nasabing kasal, maaari ring mapanagot sa Republic Act (R.A.) No. 11596 o “An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage and Imposing Penalties for Violation Thereof”, ang mga taong mag-aayos at magsasagawa ng kasal kaya naman mariin naming ipinapayo na huwag ituloy ang pinaplanong kasal ng iyong menor-de-edad na anak.   


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 20, 2024


Dear Chief Acosta,


Kamakailan ko lamang nalaman na mali ang kasariang nakasaad sa aking birth certificate.  Ako ay babae ngunit “male” ang nailagay sa aking birth certificate. Ang sabi ng lola ko, marahil ay nagkamali diumano sa ospital kung saan ako ipinanganak.


Dahil sa spelling ng pangalan ko, maaaring napagkamalan diumano ng nagtatala na lalaki ako. Hindi na rin diumano napuna ng lola ko ang naturang mali dahil sa kasamaang-palad ay pumanaw ang nanay ko noong ako ay ipinanganak, kaya litong-lito diumano siya noong mga panahon na iyon.


Sa ngayon ay nag-aasikaso ako ng mga papeles ko sa pangingibang-bansa at napakalaking abala kahit na isang impormasyon lamang ang mali sa aking birth certificate. Kung sakaling ipapatama ko ang kasarian ko sa aking birth certificate, saan ba ito ihahain? Maaari bang ang lola ko na lang ang maglakad? May trabaho kasi ako at hangga’t maaari ay ayaw ko sanang lumiban. Sana ay malinawan ninyo ako. – Casey


Dear Casey,


Alinsunod sa Republic Act (R.A.) No. 10172, na inamyendahan ang probisyon ng R.A. No. 9048, maaari nang maipatama sa ating civil register ang clerical o typographical errors sa birth certificate, at iba pang katulad na tala. Kabilang na rito ang maling pagkakatala ng kasarian. Nakasaad sa Section 1 ng nabanggit na batas:


“SECTION 1. Section 1 of Republic Act No. 9048, hereinafter referred to as the Act, is hereby amended to read as follows:


SECTION 1. Authority to Correct Clerical or Typographical Error and Change of First Name or Nickname. – No entry in a civil register shall be changed or corrected without a judicial order, except for clerical or typographical errors and change of first name or nickname, the day and month in the date of birth or sex of a person where it is patently clear that there was a clerical or typographical error or mistake in the entry, which can be corrected or changed by the concerned city or municipal civil registrar or consul general in accordance with the provisions of this Act and its implementing rules and regulations.”


Nakasaad naman sa Administrative Order No. 1, Series of 2012 ng Office of the Civil Registrar General, o mas kilala bilang Rules and Regulations Governing the Implementation of Republic Act No. 10172 ang mga sumusunod:


“Rule 3. Who may file the petition.


3.1. For correction of entry on the day and/or month in the date of birth:

Any person of legal age, having direct and personal interest in the correction of a clerical or typographical error in the day and/or month in the date of birth of a person in the civil register for birth, may file the petition.

A person is considered to have direct and personal interest when he is the owner of the record, or the owner's spouse, children, parents, brothers, sisters, grandparents, guardian, or any other person duly authorized by law or by the owner of the document sought to be corrected; x x x


3.2. For correction of a clerical or typographical error in sex:

The petitioner affected by such error shall personally file the petition with the civil registry office where the birth certificate is registered.


Rule 4.  Where to file the petition x x x


4.2. For correction of clerical and typographical error in the entry of sex:


The verified petition shall be filed, in person, with the C/MCR of the city or municipality or the Philippine Consulate, as the case may be, where the record containing the entry of sex in the birth certificate to be corrected is registered.”


Mababanaag sa nabanggit na alituntunin sa itaas na bagaman pinapayagan na maghain ng petisyon ang sinumang nasa hustong gulang na mayroong direkta at personal na interes sa pagtatama ng tala, maliban sa mismong may-ari ng naturang tala, limitado lamang ang kanilang kakayahan na gawin ito sapagkat maaari lamang na sila ang maghain ng petisyon kung ang mali sa tala ng kapanganakan ay tumutukoy sa araw o buwan ng kapanganakan. Kung ang mali sa tala na nais ipatama ay patungkol sa kasarian, kinakailangan na ang taong apektado sa nasabing mali ang maghahain ng petisyon.


Sa iyong sitwasyon, dahil ang pagkakamali sa iyong birth certificate ay tumutukoy sa iyong kasarian, pinakamainam na ikaw ang personal na maghain ng petisyon sapagkat walang duda, at tulad na rin ng nabanggit mo, na ikaw mismo ang apektado sa naturang pagkakamali. Kung ibang tao ang maghahain nito para sa iyo ay kinakailangan na makumbinsi ang local civil registrar o ang konsulada na ang nasabing nagpepetisyon ay apektado sa pagkakamali sa iyong tala. Kung hindi makumbinsi ay maaaring mabasura lamang ang petisyon at kaakibat nito ang pag-aaksaya ng filing fee, publication at iba pang gastos, at pagod na inilaan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 16, 2024


Dear Chief Acosta,


Sinabihan ang aking kaopisina ng aming Human Resource Department (HRD) na siya ay isa sa mga kandidato para sa promotion. Noong nakaraang linggo, ang aking kaibigan ay nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at ito ay sinabi niya sa aming HRD. Matapos nito ay nakatanggap siya ng sulat mula sa HRD na nagsasabi na ang kanyang promotion ay hindi na matutuloy sa kadahilanan na siya ay may sakit. Puwede bang malaman kung may nalabag na batas ang aming kumpanya?


Salamat sa pagtugon. -- RD



Dear RD,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 49(a) ng Republic Act (R.A.) No. 11166 o mas kilala sa tawag na “Philippine HIV and AIDS Policy Act”, na nagsasaad na:


Section 49. Discriminatory Acts and Practices. -- The following discriminatory acts and practices shall be prohibited:


(a) Discrimination in the Workplace. -- The rejection of job application, termination of employment, or other discriminatory policies in hiring, provision of employment and other related benefit, promotion or assignment of an individual solely or partially on the basis of actual, perceived, or suspected HIV status;”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ipinagbabawal ang diskriminasyon sa mga tao na pinaghihinalaan na positibo o nagpositibo sa sakit na Human Immunodeficiency Virus (HIV). Ang ilan sa mga akto na maituturing na diskriminasyon ay kung ang promotion ng isang empleyado ay maaapektuhan nang dahil lamang sa siya ay pinaghihinalaan na positibo o nagpositibo sa sakit na HIV. Kung kaya sa nabanggit mong sitwasyon, mayroong paglabag sa batas kung ang promotion ng iyong kaopisina ay hindi itinuloy sa kadahilanan lamang na siya ay nagpositibo sa HIV. Nais din naming ipaalam na, base sa nasabing batas, ang paglabag dito ay may karampatang parusa na nakasaad sa Seksyon 50(g), na nagsasaad na:


“Section 50. Penalties. xxx


(g) Any person who shall violate any of the provisions in Section 49 on discriminatory acts and practices shall, upon conviction, suffer the penalty of imprisonment of six (6) months to five (5) years, and/or a fine of not less than Fifty thousand pesos (P50,000.00), but not more than Five hundred thousand (P500,000.00), at the discretion of the court, and without prejudice to the imposition of administrative sanctions such as fines, suspension or revocation of business permit, business license or accreditation, and professional license.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page