ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Jan. 14, 2025
Dear Chief Acosta,
Ano ba iyong tinatawag na forum shopping? Bakit ito ipinagbabawal sa usapin patungkol sa pagsasampa ng kaso? — Andy
Dear Andy,
Ang forum shopping ay ang pagsasampa ng maraming demanda na kinasasangkutan ng parehong partido, para sa parehong dahilan o basehan, magkasabay man o sunud-sunod na inihain, para sa layuning makakuha ng pabor na hatol. Kaugnay nito, ipinaliwanag sa kasong Quiambao vs. Sumbilla (G.R. No. 192901, 01 February 2023) sa panulat ni Honorable Associate Justice Samuel H. Gaerlan, ang depinisyon ng forum shopping at kung ano ang mga requisites upang masabing mayroong forum shopping:
“Forum shopping is the filing of multiple suits involving the same parties for the same cause of action, either simultaneously or successively, for the purpose of obtaining a favorable judgment. A party violates the rule against forum shopping if the elements of litis pendentia are present; or if a final judgment in one case would amount to res judicata in the other.
There is forum shopping when the following elements are present: ‘(a) identity of parties, or at least such parties as represent the same interests in both actions; (b) identity of rights asserted and relief prayed for, the relief being founded on the same facts; and (c) the identity of the two preceding particulars, is such that any judgment rendered in the other action will, regardless of which party is successful, amount to res judicata in the action under consideration; said requisites are also constitutive of the requisites for auter action pendant or lis pendens.’”
Alinsunod sa nasabing desisyon, upang masabing mayroong forum shopping, nararapat ang mga sumusunod na requisites: (a) pagkakatulad ng mga partido, o ang mga partido ay kumakatawan sa parehong interes sa parehong aksyon; (b) pagkakatulad ng mga karapatan na iginiit, at ang mga karapatan na iginigiit ay batay sa parehong mga katotohanan; at (c) ang pagkakatulad ng dalawang naunang mga requisites, kung saan ang anumang paghatol na ginawa sa ibang aksyon, sino man ang partido ang magtagumpay, ay katumbas ng res judicata, o lis pendens.
Sa kaparehong kasong nabanggit, binigyang-linaw ang ibig sabihin ng res judicata at kung ano ang bumubuo rito:
1) isang desisyon sa merito;
2) sa pamamagitan ng korte na may karampatang hurisdiksyon;
3) ang desisyon ay pinal; at
4) ang dalawang aksyon ay nagsasangkot ng magkatulad na partido, paksa at mga sanhi ng aksyon.
Kaugnay sa mga ito at bilang pagtugon sa iyong ikalawang katanungan, ang layunin ng prohibisyon sa forum shopping ay upang maiwasan ang paggawad ng dalawa o higit pang karampatang husgado, ng dalawang magkahiwalay at magkasalungat na desisyon. Sa kasong Dy vs. Mandy Commodities Co., Inc. (G.R. No. 171842, 22 July 2009), sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Minita Chico-Nazario, ipinaliwanag ang layunin sa nasabing alituntunin:
“Forum shopping is a deplorable practice of litigants consisting of resorting to two different fora for the purpose of obtaining the same relief, to increase the chances of obtaining a favorable judgment. What is pivotal to the determination of whether forum shopping exists or not is the vexation caused to the courts and the party-litigants by a person who asks appellate courts and/or administrative entities to rule on the same related causes and/or to grant the same or substantially the same relief, in the process creating the possibility of conflicting decisions by the different courts or fora upon the same issues.
The grave evil sought to be avoided by the rule against forum shopping is the rendition by two competent tribunals of two separate and contradictory decisions. Unscrupulous party litigants, taking advantage of a variety of competent tribunals, may repeatedly try their luck in several different fora until a favorable result is reached. To avoid the resultant confusion, this Court adheres strictly to the rules against forum shopping, and any violation of these rules results in the dismissal of a case.”
Samakatuwid, walang forum shopping kapag wala ang panganib ng magkasalungat na desisyon. Upang maiwasan ang potensiyal na kalituhan, o salungat na desisyon, mahigpit na sumusunod ang mga hukuman sa patakaran laban sa forum shopping, at anumang paglabag sa mga panuntunang ito ay nagreresulta sa pagka-dismiss ng kaso.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.