ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Dec. 29, 2024
Sa nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon, inaasahan na marami na naman sa ating mga kababayan ang magpapaputok o gagawa ng ingay bilang bahagi ng tradisyon sa pagsalubong ng Bagong Taon o ang taong 2025.
Karapatan ng bawat mamamayan na gumawa ng mga bagay na sa tingin nila ay nakagawian na sa pagsalubong ng Bagong Taon. May iba’t ibang paraan na ginagamit ang mga mamamayan upang salubungin ang New Year. Nandiyan na sila ay nag-iingay gamit ang anumang bagay na maaaring maging sanhi ng ingay.
Kalimitan na ginagamit ay mga paputok, torotot, busina ng motor at sasakyan, mga lata o karton na pinatutunog. Ito ay ilan lamang sa mga sanhi ng ingay at maaaring maituring na hindi naman nakakabagabag maliban sa ingay na dulot nito.
Subalit may mga kababayan tayo, mangilan-ngilan lang naman ang mga ito, na gumagamit ng baril bilang isang uri ng pagsisimulan ng ingay. Ito ay ipinagbabawal ng batas dahil sa maaaring maging epekto nito sa sinumang tamaan ng ligaw na bala.
Kaya naman may batas tayo na ipinasa para bigyan ng mas mataas na parusa ang anumang aktong tinaguriang “illegal discharge of firearms,” o hindi legal na pagpapaputok ng baril. Ito ay pinarurusahan na sa ilalim ng Act No. 3815 o Revised Penal Code subalit binigyan ng mas mabigat na parusa sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 11926 na may titulong, “An Act Penalizing Willful and Indiscriminate Discharge of Firearms, amending for the purpose Act No. 3815, as amended, otherwise known as the Revised Penal Code.”
Itinuturing bilang kasong Alarms and Scandals ang akto ng paggamit ng anumang rocket, paputok, o iba pang pampasabog sa anumang bayan o pampublikong lugar na kinakalkula upang magdulot ng alarma o panganib sa pamayanan. Sinumang tao rin na bumaril sa iba, gamit ang anumang baril, maliban kung ito ay maituturing na bigo (frustrated homicide), o tangkang pagpatay (attempted homicide) ay maaari ring managot sa salang Illegal Discharge of Firearms.
Nakasaad sa Republic Act (R.A.) No. 11926 ang mga sumusunod:
Section 1. Article 155 of Act No. 3815, as amended, is hereby amended to read as follows:
“ART. 155. Alarms and Scandals. - The penalty of arresto menor or a fine not exceeding Forty thousand pesos (P40,000) shall be imposed upon:
“1. Any person who within any town or public place, shall discharge any rocket, firecracker, or other explosives calculated to cause alarm or danger;
“x x x.”
Section 2. Article 254 of the same Act is also hereby amended to read as follows:
“ART. 254. Discharge of Firearms. -
“(a) Any person who shall shoot at another with any firearm shall suffer the penalty of prision correccional in its minimum and medium periods, unless the facts of the case are such that the act can be held to constitute frustrated or attempted parricide, murder, homicide, or any other crime for which a higher penalty is prescribed by any of the articles of this Code.
“(b) Any person who shall willfully and indiscriminately discharge any firearm or other device that may not have been designed as firearm, but can be functionally used as a firearm, shall suffer the penalty of arresto mayor in its maximum period, unless the facts of the case can be held to constitute any other offense for which a higher penalty is prescribed.
“(c) If the person who commits the offense provided in this Article is a member of the military and military auxiliary agencies, or law enforcement agencies, authorized to bear firearms and such discharge is not in the performance of official duties, the penalty one degree higher than that prescribed above shall be imposed and the offender may be held administratively liable.
“In addition to the penalties imposed herein, any firearm license or permit issued in favor of the offender shall be summarily cancelled, and the offender shall be perpetually disqualified from being granted any firearm license or permit.”
Batay sa mga nabanggit, ang sinuman na mapatutunayan na lumabag sa mga naturang probisyon ay maaaring maparusahan ng pagkakabilanggo at pagbabayad ng multa. Ang Alarms and Scandal ay may parusang arresto menor o multang hindi hihigit sa P40,000.
Samantala, ang Discharge of Firearms ay may parusang prision correccional in its minimum (anim na buwan at isang araw hanggang dalawang taon at apat na buwan) and medium periods (dalawang taon, apat na buwan at isang araw hanggang apat na taon at dalawang buwan).