top of page
Search

ni Lolet Abania | June 9, 2022



Apat na malalaking unibersidad sa bansa ang hinirang ng QS World University Rankings 2023 bilang mga nangungunang higher education institutions sa buong mundo.


Ito ang University of the Philippines (UP), Ateneo de Manila University (ADMU), De La Salle University (DLSU), at ang University of Santo Tomas (UST).


Nakapagtala ng pinakamataas na ranked ang UP na 412, kasunod ang ADMU na nasa 651-700 bracket, habang ang DLSU at UST ay kapwa may ranked na nasa 801-1,000 bracket.


Ayon sa QS, sakop ng criteria ng kanilang ranking anila ay, “academic reputation to the number of international students enrolled as well as employer reputation, faculty to student ratio, citation per faculty, and international faculty, among others.”


Sa mahigit na 100 lokasyon na binubuo ng 2,462 institutions, nasa 1,422 institutions lamang ang nabigyan ng ranked ng QS. Noong 2021, 15 paaralan sa Pilipinas ang nakapasok sa 2022 QS ranking of best Asian universities.


 
 

ni VA/MC - @Sports | May 3, 2022



Tinalo ng University of the Philippines ang Ateneo de Manila University, 84-83 upang putulin ang 13-0 game winning streak ng Blue Eagles sa huling araw ng elimination round ng University Athletic Association of the Philippines Linggo nang gabi sa Mall of Asia Arena.


Ang pagwawagi ng UP ang nagtakda para kumpletuhin ang Final Four format sa UAAP Season 84 postseason. Lakas ni Malick Diouf ang inasahan ng Diliman-based squad sa panalo sa bisa ng 18-point, 16-board performance, habang si Carl Tamayo ay nagdagdag ng 16 points sa panalo.


Haharapin ng UP ang no. 3 De La Salle University sa Final Four, habang ang top seeded Ateneo ay lalaban sa Far Eastern University. May twice-to-beat incentives ang Ateneo at UP tungo sa Final Four. Nauna rito, nalagay ang FEU Tamaraws sa Final Four slot matapos ilaglag ang University of Santo Tomas, 109-65, at pagkatalo ng National University sa La Salle, 76-65.


Nagwagi ang Adamson University sa University of the East, 65-53. Tinapos ng Ateneo ang elimination round hawak ang nabahirang 13-1 card, habang umibayo ang UP ng 12-2. Rumehistro ang La Salle ng 9-5 card habang ang FEU ay may 7 panalo at 7 talo. Bukod sa basketball postseason, nakaiskedyul na rin ang UAAP women's volleyball ngayong linggo.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 28, 2021



Labing siyam na seminarians at staff members ng Ateneo de Manila University ang nagpositibo sa COVID-19.


Isang pari ang dinala sa ospital habang ang iba naman ay asymptomatic, ani Fr. Emmanuel "Nono" Alfonso, SJ, executive director of Jesuit Communications.


Dahil hindi naman daw maaaring lumabas ang mga seminarista, hinala nila ay nagmula sa kanilang staff ang virus.


“Meron pong pumapasok siyempre 'yung mga staff, kusinero, maintenance. 'Yun po 'yung suspicion ng aming doktor baka dun po nanggaling 'yung virus," ani Alfonso.


Naka-lockdown ngayon ang tatlong building sa Ateneo kabilang ang Loyola House of Studies.


Yun po kasing mga religious priests and seminarians nga, meron silang tinatawag na community life. Sama-samang kumakain, sama-samang nagsisimba kaya medyo 'yun ang kailangan naming i-adjust," dagdag niya.


Sinabi rin ni Alfonso na lahat ng nasa campus ay bakunado kontra-COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page