top of page
Search

ni ATD - @Sports | December 17, 2020




Hindi pa rin nawawala ang coronavirus (COVID-19) pero hindi ito ang nasa kukote ng reigning Philippine Cup champion Barangay Ginebra.


Patuloy nilang ninanamnam ang kanilang koronang sinikwat ng matagal na panahon, inabot ng 13 taon bago muling naging kampeon sa All-Filipino.


Unang beses nangyari sa Gin Kings na naglaro at nag-celebrate na sila-sila lang, hindi nila nakasama ang kanilang mga taga suporta. "It's kind of weird. Hindi mo alam kung papaano ka magse-celebrate," saad ni Honda-PBA Press Corps Finals MVP LA Tenorio. "Iba talaga pag may mga fans. So we really missed them. Na-miss talaga namin."


Tulad ng ibang teammates, espesyal kay 36-year-old, Tenorio ang pagkakasungkit ng pang 13th championship para sa Barangay Ginebra, tinapos nila sa Game 5 ang nakalaban sa best-of-seven finals na TNT Tropang Giga.


Iba ang pinagdaanan ng mga teams na nakapaglaro sa PBA bubble mas lalong naging matatag sa buhay ang mga players, coaching staffs at officials dahil sa pagsubok na kanilang dinanas na hirap dulot ng COVID-19.


Maayos na natapos ang nasabing liga na muntik nang hindi matuloy dahil sa pandemya.


May nagpositibo pa sa coronavirus sa kalagitnaan ng elimination round pero nalampasin ito at natapos nang maayos ang PBA. Sa ngayon, tiyak na masaya na ang mga nanggaling sa loob ng bubble dahil muli nilang nakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.

 
 

ni Gerard Peter / ATD - @Sports | December 13, 2020





Pangunahing prayoridad ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mabakunahan ang mga miyembro ng Pambansang atleta sakaling buksan na ito sa merkado, habang optimistikong madaragdagan pa ang bilang ng mga qualified athletes sa Olympiad.


Umaasa si PSC chairman William “Butch” Ramirez na magkakaroon ng sapat na pondo ang ahensiya upang makabili ng vaccines para sa lahat ng mga atleta. Nakatuon ang atensyon nito na mahanapan ng paraan upang pagkuhanan ng badyet na pambili ng bakuna laban sa novel coronavirus disease (Covid-19) na patuloy na nagpapahirap at kumikitil ng buhay sa buong mundo at ng nararanasang krisis dulot ng pandemya.


Sinabi pa ng 70-anyos na sports official na naaangkop lamang umano ang pagdating ng bakuna laban sa Covid-19 sa bansa sa Hunyo, 2021 dahil mabibigyan nito ng panahon ang mga atleta at coaches upang makapaghanda sakaling makapagkuwalipika sa paparating na 2021 Summer Olympic Games na sisimulan sa Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan.


Inilabas na rin umano ang ilang protocols sakaling simulang muli ang pagsasanay ng national athletes na naghahanda sa qualifying tournaments sa 2021. Pinaalalahanan ng Davaoeno na patuloy na sumunod sa mga ipinag-uutos at panuntunan ng PSC at ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID), dahil baka pagmulan pa ito ng pagkalat ng karamdaman.


Naghihintay na lang ang ahensiya sa ‘go-signal’ ng Task Force hinggil sa bubble training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna, na hihigpitan din ang safety measures at health protocol guidelines.


Malaki rin aniya ang inaasahan ng bansa na madaragdagan ang mga atletang papasok sa Tokyo Games matapos mauna ng makakuha ng ticket sina Pole Vaulter Ernest Obiena, gymnasts Caloy Yulo at national boxers Irish Magno ng women’s flyweight at amateur at pro-boxer Eumir Felix Marcial, na sasabak sa 4-round pro bout sa Disyembre 17 sa Los Angeles, California laban kay American Andrew Whitfield.


May pagkakataon pang madagdagan ang nasa listahan ng mga qualified athletes sa katauhan nina 2016 Rio Olympics silver medalists Hidilyn Diaz ng weightlifting, 4-time Southeast Asian Games champion Kiyomi Watanabe ng judo; 2019 AIBA women’s World boxing champion Nesthy Petecio, karatekas, Junna Tsukii, Jamie Lim at Joanne Orbon; Taek jins Pauline Lopez at Olympian Kirstie Elaine Alora, at 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal ng skateboarding.

 
 

ni ATD - @Sports | December 12, 2020




Sa rami ng championship na napanalunan ni Barangay Ginebra Gin Kings head coach Tim Cone hindi na nito namalayan na nalampasan na pala nito si Robert Jaworski.


Nailista ni Cone ang pang-23rd title nito matapos angkinin ng Gin Kings ang korona sa katatapos na PBA Philippine Cup.


Kahit namiminsla ang coronavirus (COVID-19) ay natuloy ang nasabing conference dahil nagsagawa ang PBA ng bubble at ginanap ang laban sa AUF Sports Gym sa Clark, Pampanga.


Limang titulo ang inambag nito sa Ginebra kaya naungusan nito si dating Ginebra head coach Jaworski.


I didn’t even know that,” ani Cone nang tanungin siya kung ano ang masasabi nito sa pag-ungos kay Jaworski. “I have no idea that was happening. Wow, what an achievement.”


Naglaro at nag-coach si Jaworski sa Ginebra mula noong 1984 hanggang 1998. Kahit napakarami nang kampeonato ang nasikwat ni Cone ay matamis pa rin ang makatanggap ng karangalan lalo na at naisasama ang kanyang pangalan sa mga legends na sina Jaworski at coach Baby Dalupan na dating hawak ang may pinakamaraming kampeonato sa PBA.


Just to be mentioned with the greats like Baby Dalupan and Sonny Jaworski, it gives me goosebumps to be mentioned in those names. I’ve been fortunate to have that opportunity. I was fortunate to have relationships with both of them based on coaching. Again, just to be part of that is an amazing experience,” masayang sabi ni Cone.


Inamin ng 62-year-old Cone na masaya siya at naging parte siya ng tagumpay ng Ginebra. “I never would have thought that it would even be here in Ginebra and being around the fans and hearing all the comments and adulation of Sonny Jaworski. Even now, it’s just amazing. He was an amazing," hayag ni Cone.


Nakaraan lamang ay tinalo ng Gin Kings ang TNT Tropang Giga sa game 5 ng kanilang best-of-seven finals upang sikwatin ang pang-13th titulo ng Ginebra.


Muntik nang hindi matuloy ang Philippine Cup ngayong taon dahil sa pamiminsala ng COVID-19, nahinto ang aksyon noong Marso pa.


Ginaya ng PBA ang bubble ng NBA kaya pinayagan na ituloy ng IATF ang naudlot na season, pero may mga inilatag na health protocol panlaban sa coronavirus. Naging mahigpit ang PBA sa pagpapatupad ng safety protocols sa loob ng bubble upang hindi basta makapitan ang players, coaching staffs at officials ng COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page