top of page
Search

ni ATD - @Sports | January 30, 2021




Halos natatabunan na ang coronavirus (COVID-19) kapag tungkol sa sports ang pinag-uusapan.


Lalo na kung si eight-division world champion Manny Pacquiao ang topic ay halos hindi na napag-uusapan ang COVID-19. Tulad ngayon sa social media maingay ang mga fans ni Pinoy icon Pacquiao dahil nais na nilang malaman kung sino ang makakasagupa ng kanilang idolo ngayong 2021.


Maraming nagpapapansin kay fighting senator Pacquiao simula pa noong nakaraang taon pero wala pang tiyak kung sino ang susunod na makakasapakan nito sa lona.


Kaya naman magandang balita sa mga tagahanga ni Pacquiao dahil ihahayag ng Pinoy icon anumang oras ang makakalaban niya ngayong taon.


Ayon kay Pacquiao sinisigurado lamang nila bago isiwalat ang mga pangalan na posibleng makalaban sa pagbabalik-aksyon nito. “I- finalize na namin this week. Kapag ok na saka namin i-announce kung sino ang makakalaban ko,” pahayag ni reigning World Boxing Association (WBA) welterweight king.


Nabanggit ni Pacquiao sina International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Council (WBC) welterweight king Errol Spence Jr. at reigning World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford sa mga kandidato at para sa kanya ay kahit sino ay sasagupain nito.

 
 

ni ATD - @Sports | January 21, 2021




Kahit may coronavirus (COVID-19) pandemic ay boxing pa rin ang nasa kukote ni former World Champion Evander Holyfield.


Sumasawsaw si Holyfield sa nilulutong mega fight sa pagitan nina reigning World Boxing Association (WBA) Manny Pacquiao at Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor.


Planong tulungan ni Holyfield si McGregor para manalo laban kay eight-division world champion Pacquiao sakaling matuloy ang laban kahit patuloy ang pamiminsala ng COVID-19.


Naniniwala si Holyfield na mabigyan lang ng magandang boxing training si McGregor ay malaki ang tsansa nitong manalo sa Pinoy icon.


May mga bentahe si McGregor na maaaring maging sandata nito ayon kay Holyfield. “He has reach advantage. So he has to keep Pacquiao to the side and throw the punches straight," saad ni Holyfield sa online interview. Pero hindi basta-basta mako-corner si Pacquiao gaya ng pahayag ni Holyfield dahil beterano na ito sa larangan ng boxing. Sa ngayong tahimik pa ang kampo ni Pacquiao para sa kanyang laban ngayong 2021.

 
 

ni ATD - @Sports | December 23, 2020




Kulang na nga sa armas ay nanganganib pang hindi makalaro si Golden State Warriors power forward Draymond Green sa kanilang unang laro laban sa Brooklyn Nets ngayong araw sa simula ng 2020-21 NBA season.


Hindi na nakasama sa training camp ng GSW si Green at hindi rin nakalaro sa kanilang unang laban sa preseason dahil nagpositibo ito sa coronavirus (COVID-19).


At ngayong negatibo na ulit sa COVID-19 si Green ay may isa na namang poroblema ang bataan ni Warriors head coach Steve Kerr.


Ayon kay Kerr, alanganin pang maglaro ang kanilang three-time All-Star na si Green sa opening day dahil sa injury.


Sinabi ni Kerr na hindi naman pangmatagalan ang injury ni Green pero hindi naglaro ang kanyang bataan noong Sabado na preseason. “Draymond did not practice, so he’s doubtful for Tuesday. He tweaked his foot in the scrimmage two days ago. Didn’t really know (how severe) until the next morning when he woke up; it was a little sore.”


Posibleng hindi rin makalaro si Green sa araw ng Pasko laban sa Milwaukee Bucks pero kumpiyansa silang sasalang ang kanilang pambato sa road games nila ngayong taon.


Matinding sandata ang hindi makakalaro para sa GSW ngayong season ito'y ang kanilang kamador na si Klay Thompson.


Samantala, bukod sa Brooklyn vs GSW, ang ibang maglalaban sa pagbubukas ng 2020-21 season ay ang defending champion Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page