top of page
Search

ni ATD / Anthony E. Servinio - @Sports | March 10, 2021





Tinambakan ng first seed Raptors 905 ang Ignite Select Team, 126-102, upang tuluyan nang wakasan ang kanilang debut sa NBA G League sa larong ginanap sa AdventHealth Arena sa Lake Buena Vista, Florida bubble.


Nagtapos ang kampanya ng Ignite sa kartadang 8-7 record at playoff appearance. Nanguna sa laro si Fil-Am star prospect Jalen Green na may career-high 30 points sa 11-sa-20 shooting, na may 7 assists, 5 rebounds at 3 steals sa loob ng 41 minutong paglalaro. Umambag din ang kapwa nito NBA prospects na sina Daishen Nix at Isaiah Todd ng 11 at 9 points, ayon sa pagkakasunod-sunod, habang si Bobby Brown ang nanguna sa veteran cast na may 15 points.


Nanguna naman para sa panalo ng Raptors si Henry Ellenson na may game-high na 33 points habang sina Matt Morgan at Nik Stauskas ay umambag ng 23 points para sa panalo ng Raptors.


Samantala, nabulabog ang NBA sa pagpirma ni Blake Griffin sa Brooklyn Nets matapos pakawalan ng kulelat na Detroit Pistons bago ang katatapos na All-Star Game. Sasamahan na ng 2011 Rookie of the Year ang “Big Three” na sina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden upang lalong palakasin ang pagkakataon na mauwi ng prangkisa ang kanilang unang kampeonato sa liga. Nakatakda ang unang laro ni Griffin bilang Nets sa Biyernes kontra sa bisitang Boston Celtics, isa sa mga koponang na pinagpilian niya bago nagkasundo sa Brooklyn.


Samantala, tiyak na pahirapan sa pagsilo ng ticket sa 2021 Olympic Games ang national karatedo. Pero kakasa pa rin ang pambato ng Pilipinas, sisikapin ng national karetedo sa pangunguna ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist Jamie Christine Lim na makabingwit ng slot sa sasalihang qualifying tournament.


May halos 100 karatekas ang maglalaban-laban sa isang weight category at tatlo lang sa apat na sisikwat ng gold, silver at dalawang bronze medals. Sasalang si Lim sa women’s +61-kilogram ng Olympic qualifying sa Hunyo sa Paris, France.


They’re (organizers) gonna take the medalists sa top four. Isang gold, silver at dalawang bronze tapos magra-round robin sila and they’ll get the top three,” hayag ni Lim.


Tutungo ang national karatedo sa Istanbul, Turkey sa susunod na linggo para sa two-month training camp.


Samantala, apat pa lang ang swak sa summer games ito'y sinapole vaulter Ernest John Obiena, boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno at gymnast Carlos Edriel Yulo.

 
 

ni MC / ATD - @Sports | February 21, 2021





Pandemya ang nagpabago sa kinabukasang haharapin sa buhay ng mga atleta. Hindi maikakailang kakaiba ang magiging kalakaran sa tinaguriang ‘New Normal' pagdating sa palakasan lalo na pagdating sa labanan.


Bagamat kinansela ng PBA ang Draft combine sa Marso 10 at 11. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial ang kanselasyon ay ginawa na rin upang matiyak ang kaligtasan ng players at mga taong kasama sa event.


Kipkip ang bagong panawagan na “Bagong Hamon, Bagong Tapang,” ng team na Ginebra San Miguel na makapagbigay ng inspirasyon at maigayak ang katauhan ng Pinoy sa gitna nang paglaban ng sambayan sa hamon ng ‘new normal’ . Taglay nito ang paglalahad sa katangian ng Pinoy --“ganado,” “matapang,” “lumalaban,” at “nagkakaisa.”

Pangunahing responsibilidad ng liga ay ang kalusugan ng lahat ng players at staff para sa ekstrang pag-iingat upang patuloy na maiwasan ang exposure ng sinuman sa COVID-19. Kinokonsidera rin ang travel guidelines ng gobyerno na 14 day-quarantine period mula sa ibang bansa.


Sa pagsukat ng karakter at pakikibaka sa buhay, kaakibat ang GSM para itaas ang morale ng Pilipino sa panahon na pinaghihinaan ng loob bunsod ng samu’t saring suliranin, higit ang COVID-19. “Filipinos have always been strong and resilient as a people but the new challenges we face today unleashed a new kind of strength and resilience we never thought we had. Today, we are ready to move on and ready to take new opportunities. We have a chance to reinvent and to create a better world where we can all work, succeed, and celebrate in the new normal. We cannot re-write the past, but we can learn from it. We evolve and we adapt, " pahayag ni GSM Marketing Manager Ron Molina. Mapapanood sa facebook ang bagong GSM video.


Gayunman, iniskedyul na sa Marso 14 ang draft sa pamamagitan ng virtual settings.

 
 

ni ATD - @Sports | February 16, 2021




Maraming nag-aabang sa vaccine upang magkaroon ng pangontra sa mapaminsalang coronavirus (COVID-19).


Lalo sa sa mga atleta upang makapag-ensayo na sila ng normal.


Para kay 2021 Olympic Games-bound Irish Magno, hindi siya takot magpa-vaccine dahil panlaban ito sa COVID-19.


Ang ikinatatakot lamang ni 29-year-old Magno ay ang magiging side effects ng vaccine, baka maapektuhan ang kanyang 'bubble' training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.


Okay po sa akin na magkakaroon kami ng (libreng) vaccine para iwas sa COVID po,” saad ni Magno. “Pero nagdadalawang-isip ako sa magiging side effect ng vaccine.”


May balitang may side effects ang vaccine tulad ng pamamaga ng braso, kasama ang pagsakit ng katawan at panginginig.


Nakaraan lamang ay nahayag na magbibigay si businessman Enrique Razon ng libreng coronavirus disease vaccine sa mga national athletes at coaches na magtutungo sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan at sa mga lalahok sa qualifying tournaments.


Maliban kay Magno ang ibang Pinoy athletes na may ticket sa Olympics na ilalarga sa Tokyo, Japan sa Hulyo ay sina boxer Eumir Felix Marcial, pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast Carlos Edriel Yulo.


Samantala, sa ibang balita, kung si dating Philippine Basketball Association, (PBA) star player Erik Menk ay mas nais nitong sa Europe tumungo si 7-foot-3 big man Kai Sotto.


Nag-post sa Twitter si dating PBA four-time Most Valuble Player, (MVP) Menk ng kanyang opinyon para sa basketball rising star na si Sotto.


"Kai Sotto ain’t making it as an 'American' big. I said 2 years ago, he should go to Europe. I stand by that....." saloobin ni Menk sa kanyang Twitter account.


Napurnada ang final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Doha, Qatar, kaya bumalik na ng Estados Unidos si Sotto. Ito'y dahil tumaas ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) sa Qatar.


Sisikapin ni Sotto na makabalik kasama ang Ignite sa on-going NBA G League season sa Walt Disney World Complex bubble sa Orlando, Florida.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page