ni ATD / A. Servinio- @Sports | October 31, 2020
Para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng nasa loob ng PBA bubble sa Clark sa Pampanga ay hininto muna ang laban sa Philippine Cup simula kahapon.
Ito'y magtatagal hangga't wala pang ibinababa ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease na bagong protocols para makaiwas sa coronavirus (COVID-19).
"In compliance with the recommendation of the IATF-EID Technical Working Group and the DOH Advisory Group of Experts and to ensure the integrity and safety of the PBA Bubble, the league is postponing the games starting TODAY, October 30 until the new protocols proposed by the IATF and DOH are out in place," nakasaad sa statement ng PBA.
Noong nakaraan lang nabulabog ang PBA bubble dahil sa sunod-sunod na balitang may nagpositibo sa COVID-19, sangkot ang isang referee at player ng Blackwater.
Nakansela ang mga laban ng Elite maging ang huling team na nakalaban nila na TNT Tropang Giga ay na postpone din ang laro.
Samantala, tatlong pares sana ng laban ang masisilayan ngayong araw pero sinalto ito ng coronavirus.
Kasalukuyang nasa tuktok ng team standings ang Tropang Giga hawak ang 5-1 karta habang solo sa second spot ang Rain or Shine Elasto Painters na may 4-1 card.
Samantala, babalik para sa ikalawang araw ang aksiyon ng 2020 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways ngayong Sabado sa Philippine Football Federation (PFF) National Training Center sa Carmona, Cavite. Hahanapin ng mga bigating Kaya Iloilo at United City ang kanilang pangalawang panalo matapos magwagi sa magkahiwalay na laban sa pormal na pagbubukas ng liga noong Miyerkules.
Nanalo ang United City kontra sa Azkals Development Team, 1-0, sa likod ng goal ni Mike Ott sa ika-25 minuto galing sa pasa ng kanyang kuya Manny Ott. Sinundan ito ng 1-0 tagumpay ng Kaya sa Maharlika Manila salamat sa goal ni Jayson Panhay sa ika-30 minuto.