ni Lolet Abania | May 19, 2021
Tinanggap na ni Bise-Presidente Leni Robredo ngayong Miyerkules ang kanyang first dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Quezon City.
Sa isang statement, sinabi ni Robredo na nagpabakuna siya kasama ang ibang miyembro ng kanyang staff dahil sila ay nasa ilalim ng A3 category o mga taong mayroong comorbidities.
“Done with my first dose of the vaccine. Now being monitored,” ani Robredo. “Everything has been seamless,” dagdag niya. Matatandaang binanggit ni Robredo na mayroon siyang hypertension.
Ang AstraZeneca ay may efficacy rate na 70% matapos ang first dose, base ito sa evaluation ng Food and Drug Administration (FDA) ng bansa.
Tataas naman ang 70% rating nito kapag ang second dose ay natanggap na matapos ang apat hanggang 12 linggo.