top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 22, 2021



Epektibo ang dalawang doses ng Pfizer o AstraZeneca laban sa COVID-19 Delta variant, ayon sa pag-aaral na inilathala sa New England Journal of Medicine.


Sa isinagawang pananaliksik, napag-alaman na ang dalawang doses ng Pfizer vaccine shots ay 88% effective laban sa Delta variant at 93.7% effective laban sa Alpha variant.


Ang dalawang doses naman ng AstraZeneca vaccine shots ay 67% effective laban sa Delta variant at 74.5% effective laban sa Alpha variant.


Nilinaw din sa pag-aaral na ang isang dose ng Pfizer vaccine shot ay 36% lamang ang efficacy habang ang AstraZeneca naman ay 30% effective laban sa Delta variant.


Saad pa ng Public Health England, "Only modest differences in vaccine effectiveness were noted with the Delta variant as compared with the Alpha variant after the receipt of two vaccine doses.


"Our finding of reduced effectiveness after the first dose would support efforts to maximize vaccine uptake with two doses among vulnerable groups in the context of circulation of the Delta variant.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 16, 2021



Mahigit isang milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong Biyernes.


Lumapag sa NAIA ang China Airlines Flight CI 701 na sakay ang 1.15 million doses ng AstraZeneca kaninang alas-10:09 nang umaga.


Ayon sa ulat, binili ng pampribadong sektor ang mga naturang bakuna bilang tulong sa vaccination program ng bansa.


Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, inaasahang may darating pang karagdagang 1.15 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa bansa sa Agosto.


Aniya pa, "A total of 2.75 million employees from close to 500 companies are expected to benefit from this — not to mention those who will benefit from the LGU procured doses.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 13, 2021



AstraZeneca ang ituturok bilang ikalawang dose sa mga nakatanggap ng Sinovac sa kanilang unang dose ng bakuna laban sa COVID-19, ayon sa opisyal ng Thailand ngayong Lunes.


Pahayag ni Health Minister Anutin Charnvirakul, "This is to improve protection against the Delta variant and build high level of immunity against the disease.”


Samantala, ang naturang hakbang ay isinusulong dahil ayon sa health ministry, karamihan sa mga medical at frontline workers na nakatanggap ng Sinovac vaccines sa kanilang unang dose ay tinamaan pa rin ng COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page