ni Mary Gutierrez Almirañez | March 26, 2021
Darating na sa ikatlong quarter ng taon ang mahigit 1 milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na binili ng Quezon City, kasabay ang iba pang doses na inilaan ng national government para sa pamahalaang lungsod, ayon kay Mayor Joy Belmonte.
Aniya, “Definitely, for example in our city, although we reserved 1.1 million dosages, that’s not enough. That’s very little. That’s going to cover a fifth of our population so we need the help and assistance of whatever the vaccines the national government can spare for Quezon City.”
Sa ngayon, maaari nang makapagparehistro ang mga residenteng 15-anyos pataas sa website na https://qceservices.quezoncity.gov.ph kabilang ang homeowner, tenant, kasambahay, mahihirap at mayayaman, partikular na ang mga senior citizens upang mabakunahan ng libre kontra COVID-19.
Pinaaalalahanan din ang mga residente na sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pre-registration:
• Piktyuran ang valid I.D. na naka-address sa Quezon City
• Sa mga senior citizens, piktyuran ang SC Card na inisyu ng lungsod
• Pumirma sa kulay puting papel. Kailangang magkapareho ang pirma sa I.D. at papel
• I-search ang https://qceservices.quezoncity.gov.ph para sagutan ang mga hinihinging impormasyon
• I-upload ang picture ng I.D.
• I-upload ang sariling larawan o mag-selfie gamit ang QC-ID App. Hindi dapat kulay puti ang background sa picture • I-upload ang picture ng pinirmahang papel
• Hintayin ang approval Batay sa huling tala ay umabot na sa 14,819 ang mga nabakunahang healthcare workers sa Quezon City at inaasahang madaragdagan pa ito sa pagpapatuloy ng rollout at pagdating ng iba pang bakuna.