ni Mary Gutierrez Almirañez | April 7, 2021
Pansamantalang inihinto ng United Kingdom ang clinical trial ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa mga menor-de-edad upang imbestigahan ang nangyaring ‘blood clot’ sa ilang nabakunahan nito na nasa hustong gulang, ayon sa Oxford University nitong Martes, Abril 6.
Giit pa ng European Medicines Agency head of vaccine strategy na si Marco Cavaleri, “In my opinion, we can say it now it is clear there is a link with the vaccine. But we still do not know what causes this reaction.”
Sa mahigit 18 million doses ng AstraZeneca na naipamahagi, tinatayang 30 sa nabakunahan nito ang nakaranas ng blood clot at 7 ang namatay.
Matatandaang ipinahinto na rin ang vaccination rollout sa ibang bansa hinggil sa nangyaring adverse events.
Sa ngayon ay ubos na ang suplay ng AstraZeneca sa ‘Pinas at pinag-aaralan na ring iturok ang bakunang Sinovac sa mga senior citizens.
Batay sa huling tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 777,908 doses ang naiturok na bakuna kontra COVID-19 sa A priority list