ni Jasmin Joy Evangelista | December 27, 2021
Dumating na sa bansa ang 1,957,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine, na binili ng gobyerno.
Ito ay lumapag sa bansa kagabi, bago mag-7:00 p.m.
Dahil dito ay umabot na sa 200 million doses ng bakuna ang na-deliver sa bansa, kung saan higit 100 milyon dito ay na-administer na sa mga Pinoy as of December 21.
"Another milestone po, almost 208 million doses po ngayon ang ating natanggap na po, ang arrivals po ng bakuna dito sa ating bansa," ani National Task Force Against COVID-19 Assistant Secretary Wilben Mayor.
Noong nakaraang lingo ay inaprubahan na ng Food and Drug ang pagbabakuna ng Pfizer-BioNTech's sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Ayon kay FDA director general Eric Domingo, 90% na epektibo ang nasabing bakuna para sa mga batang nasa nasabing age group na may “very mild” adverse effects.
Plano ng gobyerno na i-roll out na ang pagbabakuna sa mga batang 5-anyos pataas sa Enero 2022. Ang planned dosage na ibibigay sa mga ito ay 10 micrograms, na mas mababa sa itinuturok sa mas nakatatanda.