ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 19, 2024
Naitala ang India bilang bansa na may pinakamalalang polusyon sa hangin sa buong mundo.
Sa bagong ulat ng IQAir, sinasabi nito na nasa Asia ang lahat ng 100 “Most Polluted Cities” noong nakaraang taon. Itinuturing ang krisis sa klima bilang isang pangunahing dahilan ng polusyon sa hangin, na nagdadala ng panganib sa kalusugan ng bilyon-bilyong tao sa buong mundo.
Nagdudulot din ito ng mahigit sa walong milyong pagkamatay taun-taon, na halos 16 kada minuto.
Siyam sa top 10 Most Polluted Cities ang nasa India, na mas mataas kaysa sa anim noong nakaraang taon. Samantala, 49 lungsod sa India ang nasa top 50; at kabuuang 83 lungsod sa India ang nasa top 100.
Sa kasalukuyan, muling naitala ang Delhi bilang "Most Polluted Capital of the World," ang ikalimang pagkakataon sa huling anim na taon.
Gayunpaman, ipinapakita ng ulat ang malalaking kakulangan sa pagsubaybay sa polusyon dahil sa kakulangan ng pondo o kawalan ng political will.