top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 2, 2022



Inaasahan ng mga simbahan na dadagsa ang mga mananampalataya ngayong Ash Wednesday matapos ang dalawang taon na pagkakansela ng mga aktibidad nito dahil sa pandemya.


Ngayong taon ay muling pinayagan ng simbahan ang tradisyunal na pagpapahid ng abo sa noo.


Matatandaang noong nakaraang taon ay ibinubudbod lamang sa ulo ang abo upang maiwasan ang close contact.


Sa Holy Trinity Parish sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, itse-check ng mga volunteer ang vaccination cards ng mga mass goers at pagsasagutin sa mga contact tracing forms tulad dati, ayon kay Fr. Amer Zaragosa.


“If the crowd gets bigger, it’s still the same, we would ensure that physical distancing would be observed,” ani Zaragosa, ang parochial vicar ng naturang simbahan.


Maglalagay din aniya ng mga karagdagang upuan sa labas ng simbahan para mas maraming tao ang ma-accommodate.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 27, 2022



Sa unang pagkakataon matapos ang dalawang taon, papayagan na muling magpahid ng abo sa noo ng mga mananampalatayang Katoliko para sa Ash Wednesday sa Marso 2.


Sa guidelines na inilabas nitong Sabado, sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ibabalik na nito ang nakasanayang pagpapahid ng abo sa noo sa kabila ng COVID-19 pandemic


“The formula for the imposition of ashes Repent, and believe in the Gospel, or Remember that you are dust, and to dust you shall return is said only once applying it to all in general. We will revert to the imposition of ashes on the forehead of the faithful,” ayon sa guideline, na pirmado ni CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairman Bishop Victor Bendico.


“The sprinkling of ashes on the crown will remain an option. We have been reminded last year that this option is an opportunity to catechize our people on both the penitential and baptismal characters of the Lenten season,” dagdag pa nito.


Matatandaang hindi nagsagawa ng Ash Wednesday rites noong 2020 at 2021 dahil sa pandemya.


Sa halip na pahiran ng abo na pa-krus sa noo, ang abo ay ibinudbod na lamang sa ulo ng mga mga mananampalataya.


Kung magsasagawa naman ng religious processions, sinabi ng CBCP na kailangan ay coordinated ito sa local government at barangay officials.


“We limit the route of processions through roads or streets that will allow greater possibility for social distancing," pahayag ng CBCP.


"Procession marshals are necessary to maintain the safe distance of the participants of the processions,” dagdag pa nito.


Hindi rin inirerekomenda ang paggamit ng “carosas” o “andas” na binubuhat ng mga tao dahil malalabag umano ang social distancing.


Payo ng CBCP, isakay na lamang ang mga imahen sa sasakyan, imbes na buhatin.


Samantala, maaari ring mag-organisa ng “Pabasa” basta masusunod ang health protocols.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 16, 2021





Maaari na ring maging alternatibong pamahid sa noo ang cotton balls na isinawsaw sa binendisyunang abo ngayong Ash Wednesday, Pebrero 17, bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.


Ayon sa simbahang Katoliko, matapos gamitin ang ipinahid na cotton ball ay itatapon na iyon at panibagong bulak naman ang gagamiting pamahid sa noo ng kasunod sa pila.


Ang Ash Wednesday ay mahalagang araw ng pag-aayuno para sa mga Katoliko.


Obligado silang magbawas ng pagkain, mangumpisal, magkawanggawa at mag-alay ng panalangin. Maging ang mga pulis ay naghahanda na rin sa pagdagsa ng mga tao sa simbahan.


Mahigit 500 ang papayagang makapasok sa loob kung saan mayroong entry at exit points. Maglalagay din ng markers sa labas ng simbahan para sa mga hindi makakapasok.


Patuloy pa rin namang ipatutupad ang social distancing, pagsusuot ng face shield at face mask, maging ang pagkuha sa body temperature at pagsusulat ng pangalan, tirahan, at contact number sa papel.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page