ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 3, 2021
Umabot sa 2,429 katao ang inilikas sa Batangas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PRDRRMO) ngayong Sabado nang hapon.
Ani PDRRMO Chief Lito Castro sa isang panayam, “Mayroon nang record na tumaas ang bilang ng mga evacuees. Nakita namin na maraming ‘di nagpunta sa evacuation center at pumunta sa kani-kanilang mga pamilya sa labas ng Batangas.
“Ngayon ay may 2,429 individuals na nag-evacuate.” Ayon naman sa Civil Defense Philippines, umabot sa 778 pamilya o 3,141 katao ang naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan.
Karamihan umano ng mga nasa evacuation centers ay mula sa Agoncillo, Laurel, San Nicolas at Lemery, Batangas.
Samantala, joint forces naman ang Philippine Coast Guard at Philippine Red Cross sa pag-a-assist sa mga nasa evacuation centers.