top of page
Search

ni Lolet Abania | May 30, 2022



Isinailalim ng mga awtoridad sa “red zone” ang limang barangay sa Zamboanga City dahil sa mga kumpirmadong kaso ng African swine fever (ASF) na tumama sa mga alagang baboy.


Ang limang barangay ay Mangusu, Curuan, Manicahan, Bunguiao at Pasonanca. Ayon kay Zamboanga City Veterinarian Dr. Mario Arriola nagsagawa na ng culling ng mga baboy sa loob ng 500-meter radius sa limang barangay.


Para madagdagan ang suplay ng mga karneng baboy sa siyudad, nagkaroon ng pagtuturo ang Zamboanga City Hog Raisers Association sa mga residente para sa tamang paraan ng hog raising habang nagsasagawa ng sanitation sa mga lugar.


Ang naturang association ay may programa, sa koordinasyon ng Department of Agriculture (DA), na nagbibigay ng 10 inahing baboy sa mga residente, alinsunod ito sa guidelines na itinakda ng asosasyon at ng Office of the City Veterinarian.


 
 

ni Lolet Abania | February 24, 2022



Ilang lugar sa bayan ng Bontoc sa Mountain Province ang tinamaan ng African swine fever (ASF), kung saan mahigit sa 200 baboy ang kanilang nai-culled nitong huling mga buwan ng nakalipas na taon para makontrol ang pagkalat pa ng naturang sakit.


Sa isang radio interview ngayong Miyerkules kay Bontoc Mayor Franklin Odsey, sinabi nitong nagsimula ang outbreak ng ASF noong Oktubre 2021, na umabot sa kabuuang 206 baboy ang kanilang pinatay hanggang ngayong buwan.


“Starting October hanggang ngayon, 206, mga backyard hograisers lang ang taong naapektuhan pero malaking bagay sa kanila po,” pahayag ni Odsey. “Our team conducted disinfection sa mga... hograisers naming,” ani mayor.


Gayunman, ayon kay Odsey plano nilang magbigay ng libre mga piglets para makatulong sa mga apektadong hograisers na buhayin muli ang kanilang mga negosyo.


Hindi naman humihinto ang ibang mga hog raisers na mag-operate ng mga kanilang mga pigpens, lalo na sa mga hindi nakakalabas sa kanilang lugar at mayroong mga malulusog na alagang baboy.


“‘Yung mga healthy pigs, kasi hindi naman lahat ng baboy affected ng ASF. Kaya ‘yung healthy pigs, pinapayagan namin... but it does not go out of the barangay... para hindi kumalat ‘yung ASF,” saad ni Odsey.


Una nang na-detect ang ASF sa 493 lungsod at munisipalidad sa 12 rehiyon, ayon ito kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo ng nakaraang taon, kung saan nagdeklara siya ng nationwide state of calamity dahil sa ASF.


 
 

ni Lolet Abania | May 11, 2021




Isinailalim ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa state of calamity dahil sa matinding krisis na nararanasan ng bansa sa African swine fever (ASF), partikular na sa hog industry.


Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ilalim ng Presidential Proclamation 1143 na inisyu nitong Lunes at inilabas ngayong Martes.


Nakasaad sa Proclamation 1143, na simula nang unang naiulat ito sa bansa noong 2019, ang ASF ay labis na nakaapekto sa 12 rehiyon, habang nagdulot ito ng matinding pagbaba ng populasyon ng tinatayang tatlong milyong baboy na nagresulta rin sa mahigit P100 bilyong halaga ng pagkalugi sa mga local hog sectors at allied industries at pagtaas ng bentahan ng mga pork products.


“There is hereby declared a State of Calamity throughout the Philippines on account of the ASF outbreak, for a period of one year beginning this date, unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant,” ayon sa proclamation.


Dagdag pa rito, ang pagdedeklara nito sa bansa ay makapagbibigay sa pamahalaan at sa mga local government units (LGUs) ng panahon para magkaroon ng kaukulang pondo, kabilang na ang Quick Response Fund at upang matugunan ang problema sa patuloy na pagkalat ng ASF at para maibalik sa normal ang mga lugar na apektado ng ASF.


“There is an urgent need to address the continued spread of ASF and its adverse impacts, to jumpstart the rehabilitation of the local hog industry, and to ensure the availability, adequacy and affordability of pork products, all for the purpose of attaining food security,” nakapaloob sa proclamation.


“All government agencies and LGUs are enjoined to render full assistance to and cooperation with each other , and mobilize the necessary resources to undertake critical, urgent and appropriate measures in a timely manner to curtail the further spread of ASF, address the supply deficit in pork products, reduce retail prices, and jumpstart the rehabilitation of the local hog industry,” pahayag sa proclamation.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page