top of page
Search

ni Lolet Abania | November 10, 2022



Papalawigin pa ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang temporary ban ng pagpasok ng mga baboy, hogs, at iba pang katulad na produkto mula sa Iloilo at Panay dahil sa nabigo aniya ang mga awtoridad na mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).


“What we should be afraid about really is the ASF. Right now, of the 81 provinces in the entire country, 62 provinces are already infected with ASF. They have not been able to control the ASF spread in Panay [and] Iloilo,” pahayag ni Garcia sa isang interview na nai-share sa Facebook page ng Cebu provincial government nitong Miyerkules.


“I will extend it (pork ban). We were trying to study ba kung ma-contain ba, wala. They have not contained it,” saad ng gobernadora.


Noong Oktubre 13, iniutos ni Garcia ang temporary ban ng mga pork at pork products mula sa mga probinsiya ng Iloilo at Panay island para sa period ng 60 araw dahil sa hinihinalang kaso ng ASF.


Ayon kay Garcia, hiniling din niya sa mga airlines at mga awtoridad na ipaalala sa mga pasahero na hindi sila maaaring magdala ng anumang klase ng mga pork products sa Cebu province.


“I have asked again the airlines, as well as the authorities sa airport to keep repeating the warning that is contained under my executive order they cannot bring in [pork] domestic from Manila, Davao, from wherever, they cannot bring in any pork and pork-related products,” sabi ng opisyal. “But, I have asked the airline to announce it while the passengers are still on board,” dagdag pa ni Garcia.



 
 

ni Lolet Abania | June 22, 2022



Sanhi ng mabilis na pagkalat ng African swine fever (ASF), mas hihigpitan ang border security sa mga bayan ng Banga at Surallah ng provincial government ng South Cotabato.


Ayon kay South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr., nagdeklara na ang Bureau of Quarantine at Department of Agriculture (DA) Region 12 ng “red zone” status sa South Cotabato, kung saan aniya, magpapatupad ng ‘restriksyon sa pagpapalabas ng mga baboy’ sa ilang lugar, kabilang na rito ang Banga at Surallah.


Hinimok naman ni Tamayo ang mga residente na agad na i-report ang posibleng insidente ng ASF upang hindi na kumalat pa ang impeksyon sa mga baboy.


“Titiyakin pa natin, kakausapin ang lahat ng mga backyard farmers natin ng baboy at ‘yung mga large farms na kung mayroon silang nakikita ay talagang gagawa ng paraan na ire-report,” saad ni Tamayo.


“Ang problema ay hindi talaga maiiwasan na mayroon talagang nanghihinayang sa kanilang mga baboy at pilit na tinatago, kinakatay at ibinibenta ang mga karne,” pahayag ng gobernador.


Ayon kay Tamayo, maglalaan umano ang provincial government ng pondo mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para sa kinakailangang gastusin o bayarin ng mga hog growers na naapektuhan ng ASF.


Nababahala naman si Tamayo sa idudulot na epekto ng ASF sa ekonomiya ng lalawigan sakaling hindi pa rin masolusyunan sa mga susunod na buwan.


“Kaya’t kinakailangan ko na magtulungan tayo, ‘wag kayong basta-bastang bumili ng mga baboy na hindi na-check o hindi sa tamang lugar na pinagbibilhan dahil hindi ninyo alam baka kayo ang magdadala ng ASF mismo sa inyong mga palibot,” giit pa ni Tamayo.


 
 

ni Lolet Abania | June 8, 2022



Maaaring mailabas ang bakuna laban sa African swine fever (ASF) na idinebelop ng isang local research company na hawak ng Department of Science and Technology (DOST) sa 2023 o 2024.


Sa Laging Handa briefing ngayong Miyerkules, sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevara na ang vaccine para sa viral disease na nakaka-infect sa mga baboy at wild boars o baboy-ramo kadalasan ay dalawang taon bago ito madebelop.


Gayunman, gagawin munang i-develop ng veterinary research at diagnostic laboratory na BioAssets Corporation ang ASF test kits na posibleng mailabas naman sa pagtatapos ng taong ito o sa unang bahagi ng 2023.


“Meron rule ang Department of Agriculture [DA] na kapag may isang na-detect lang na baboy na may ASF, isang kilometro, lahat ng baboy do’n papatayin. Kapag 7 kilometers, may rules din sila. Kung magkakaro’n tayo ng detection kit, hindi na kailangan lahat patayin. Pwede mo nang i-detect kung sinong baboy lang ang may sakit at kailangan natin idispatsa,” sabi ni Guevara.


Ayon kay Guevara, ang BioAssets Corp. ay maglulunsad din ng isang mobile laboratory na ide-deploy sa Mindanao, na direktang pupunta sa mga lugar na may hinihinalang ASF cases upang agad na mai-test kung ang mga baboy ay talagang infected na ng nasabing sakit.


“Ang mobile laboratory unit na ito ay makakatulong sa mga veterinarians, sa mga farmers para magkaroon ng diagnostics doon sa point para makaresponde agad sa disease outbreak,” saad pa ni Guevara.


Noong nakaraang buwan, limang barangay sa Zamboanga City ang isinailalim ng mga awtoridad sa “red zone” dahil sa mga kumpirmadong kaso ng ASF sa kanilang mga baboy.


Matatandaan noong 2021, ayon sa DA ang Pilipinas ay nakipag-ugnayan na sa United States para magsagawa ng vaccine trials laban sa ASF. Gayundin, may pag-uusap na sa Pirbright Institute ng United Kingdom hinggil sa parehong usapin.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page