top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @News | October 9, 2023




Naitala sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang unang kaso ng African swine fever (ASF).


Sa isang pahayag, iginiit ni Governor Bonz Dolor na ang mga kaso ng ASF, ay hindi nakakaapekto sa kalusugan ng tao.


Nagmula umano ito sa mga barangay ng Dannggay at Bagumbayan sa bayan ng Roxas.


Nag-utos siya ng sample testing para sa 'highly contagious pig disease' sa limang bayan sa Roxas gayundin sa isang baryo sa bayan ng Mansalay kung saan iniulat ang kaso ng ASF.


Maglalagay rin aniya ng checkpoints sa mga border ng Roxas at Bongabong towns at sa Roxas-Mansalay boundary. Dagdag pa ni Dolor, ipinagbabawal na rin ang pagbebenta ng baboy sa pamamagitan ng Danggay o Roxas ports simula ngayong araw, Lunes.



 
 

ni Madel Moratillo | June 5, 2023




Nanawagan ang National Federation of Hog Farmers Inc. na magbigay ng subsidiya para sa bakuna kontra African Swine Fever (ASF).


Ayon kay NFHFI President Chester Tan, kung hindi ito kayang mailibre ng gobyerno sana kahit kalahati man lang ng presyo ay matulungan ang mga maliliit at medium scale na magbababoy sa bansa.


Hindi pa aniya tiyak ang presyo ng bawat dose ng bakuna pero sa kanilang pagtaya ay posibleng abutin ito ng P400 hanggang P600.


Masyado aniya itong malaki para sa mga maliliit na magbababoy.


Una rito, sinabi ng Bureau of Animal Industry na napatunayang epektibo ang ASF vaccine sa mga clinical trials na ginawa sa anim na hog farm sa Luzon.

Matatandaang noong 2019 nagkaroon ng outbreak ng ASF sa bansa.



 
 

ni Madel Moratillo | March 11, 2023




Naglabas ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) sa lahat ng pork products mula Singapore dahil sa outbreak ng African swine fever (ASF).


Sa isang memorandum na inilabas ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, nakasaad na kasama sa sakop ng ban ang pagpasok ng domestic at wild pigs maging produkto nito kasama na ang mga balat at karne.


Batay sa nasabing memo, ang Singapore ay hindi accredited para mag-export ng kahit anong swine-related commodities. Pero maaari itong makapasok sa pamamagitan ng hand-carried products, kaya inilabas ang kautusan ng DA.


Ang mas mahigpit na patakaran ng DA ay matapos may maitalang bagong kaso ng ASF sa bansa.


Una rito, sa Carcar City, Cebu, may mahigit 50 samples ang nagpositibo sa ASF, na unang kaso sa probinsya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page