ni Angela Fernando - Trainee @News | October 24, 2023
Sisikapin ng pamahalaang makasabay sa modernisasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makilala ito bilang "world-class force," saad ni Presidente Bongbong Marcos Jr. sa kanyang talumpati nu'ng Lunes, Oktubre 23.
Ipinunto ni Marcos ang kahalagahan ng militar sa pagpapalaganap ng depensa ng bansa.
Dagdag niya, magpapatuloy ang administrasyon sa pagsulong ng mga pamamalakad para sa ikabubuti ng mga militar at ng kanilang pamilya.
"Rest assured that we will remain steadfast in transforming and modernizing the AFP into a world-class force that is respected by its counterparts and is a source of national pride," saad ng Pangulo sa hapunan para sa AFP Council of Sergeants Major.
Nagpakita rin siya ng tiwala sa mga sergeant major na patuloy paglinangin ang kanilang kaalaman para sa bagong kasanayan ng AFP, para rin maibigay nang maayos ang kanilang serbisyo sa bayan.