ni Jasmin Joy Evangelista | February 17, 2022
Nagsagawa ng "penitential walk" o alay lakad ang Manila Archdiocese kasama ang iba pang mga pari para ipagdasal ang mga botante para sa darating na May 2022 elections.
“We ask our fellow Filipinos to be ‘maka-Diyos kaya makabayan,’ to discern their choice well and prefer leaders who embody and promote the values of the Kingdom of God,” ayon sa archdiocese.
Mula sa Manila Cathedral ay dumaan ito sa GomBurZa memorial marker sa Luneta Park bago magtungo sa Shrine of Nuestra Señora de Guia sa Ermita.
Ito ay kasabay ng ika-150 anibersaryo ng pagkamartir ng "GomBurZa" o ng mga paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.
“For us Filipinos, doing acts of penitensya or sacrifice is never just for oneself, but always intercessory, that is, in behalf of others and in solidary with others,” ayon pa sa pahayag.
“As a clergy, we shall make this act of sacrifice not only for our personal piety but also for the sake of our people and in communion with our people.”