top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 23, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 si Sen. Lito Lapid, ayon sa kanyang staff ngayong Lunes.


Saad ni Atty. Jericho U. Acedera, chief of staff ni Lapid, "We wish to confirm that unfortunately, Pinuno tested positive in his COVID-19 RT-PCR test.


"He is currently undergoing treatment at the Medical City Clark where his doctors consider his case as mild to moderate."


Samantala, sumailalim na rin umano sa tests ang mga nagkaroon ng close contact sa senador at ayon kay Acedera, nagnegatibo naman ang mga close-in employees ni Lapid sa isinagawang antigen test at wala ring nakitaan ng sintomas ng COVID-19.


Saad pa ni Acedera, "We shall be reporting progress of his recovery when needed and as we get the news from his doctors.


"We enjoin everyone to pray that his health and of all those infected continue to improve, and more importantly, for this pandemic to soon be over.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 14, 2021



Kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR o antigen test ang mga biyahero mula sa Bohol at Negros Oriental at Occidental na pupuntang Cebu simula ngayong araw, Hunyo 14 hanggang sa July 24, ayon sa lokal na pamahalaan.


Ayon sa Cebu Provincial Government, kailangang isagawa ang RT-PCR test sa loob ng 72 oras bago ang biyahe papuntang Cebu at ang rapid antigen test naman ay kailangang isagawa 48 hours bago bumiyahe.


Ayon naman kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ito ay ipinatupad bilang pag-iingat dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Bohol at Negros.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page