ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 11, 2021
Nasabat ng Anti-narcotics operatives ang P1.3 million halaga ng shabu sa mag-asawa sa isinagawang operasyon sa Datu Piang, Maguindanao noong Biyernes.
Kinilala ng awtoridad ang mag-asawang sina Kal Mangayag Zainal at Indag Muslima Zainal na kapwa nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ayon sa director ng Philippine Drug Enforcement Agency - Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) na si Juvenal Azurin, Biyernes nang hapon inaresto ang mga suspek matapos mag-turn over ng 200 gramo ng shabu sa non-uniformed agents sa Barangay Kanguan, Datu Piang, Maguindanao.
Ayon kay Azurin, sa tulong ng 6th Infantry Battalion ng 6th Infantry Division, Datu Piang municipal police at iba pang miyembro ng Bangsamoro regional police, naaresto ang mag-asawang Zainal.
Aniya pa, “The operation was launched based on tips by relatives of the suspects and municipal officials in Datu Piang municipality.”