ni BRT @News| July 9, 2023
Bumaba na sa minimum operating level ang tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Ayon sa PAGASA, nasa 179.99 meters na lamang ang tubig, mas mababa sa 180-meter minimum operating level.
Mas mababa ito ng 0.46 meter kumpara sa 180.45 meter na naitala kahapon ng umaga, Hulyo 7.
Nabatid na nasa 210 meters ang normal high water level o spilling level ang Angat Dam.
Nasa 90 porsyento ng residente ng Metro Manila ang sinusuplayan ng tubig ng Angat Dam.
Ayon sa National Water Resources Board, babawasan pa ang water allocation sa Metro Manila kapag bumaba ang water level sa Angat Dam.
Samantala, nasa 98.76 meters ang water level sa Ipo Dam sa Bulacan
Nasa 745.32 meters naman ang water level sa Ambuklao Dam sa Benguet habang nasa 236.85 meters ang water level sa San Roque Dam sa Pangasinan at Benguet.
Nasa 179.39 meters naman ang water level sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija habang ang Magat sa Ifugao at Isabela provinces ay nasa 164.81 meters.