top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 8, 2022



Hindi na matutuloy ang reopening ng amusement park na Star City dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Nakatakda sana ang kanilang muling pagbubukas sa Enero 14 ngunit nitong Sabado ay naglabas ito ng pahayag sa Facebook page nito na mapo-postpone ang reopening.


“Mukhang may mapo-postpone na reopening,” pahayag nito. “Sorry na, na-excite lang talaga kaming mag-announce, na-miss kasi talaga namin kayo kaso dumadami yung mga Covid-19 cases so doble ingat muna.”


Ayon sa Star City, priority nila ang kaligtasan at kalusugan ng kaning mga guests at employees.


“Okay lang ba iusod natin ng konti ang opening date? Pramis, pag okay na ang lahat magkikita-kita tayo muli. Sure na!” ayon dito.


Matatandaang nagsara ang parke matapos nitong masunog noong 2019.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 6, 2022



Nakatakdang muling magbukas ang amusement park na Star City sa Enero 14, pagkatapos ang mahigit dalawang taong pagsasara nito matapos masunog.


“The long wait is finally over! Star City will be reopening this January 14, 2022!” anunsiyo sa Facebook page nito.


Ayon sa management, maaaring bumili ng entrance tickets sa gate ng parke.


“We will be announcing soon how tickets may be purchased online,” pahayag pa nito.


Matatandaang ang iconic theme park na ito ay nasunog noong October 2, 2019, kung saan umabot sa P1 billion ang nagging pinsala nito.


Isang araw matapos ang insidente, sinabi ng management na mananatiling nakasara ang parke until further notice.


Maliban sa rides, kilala ang Star City sa indoor carnival, shopping center, museums, at horror houses.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 12, 2021



Tila muling magbubukas ang amusement park na Star City sa 2022.


Ito ay matapos mag-post ng social media page nito ng poster na mayroong nakasulat na “muling magniningning”.


"The darkest night reveals the brightest star," ayon sa caption nito na mayroon pang hashtags #StarCity2022 at #StarCityComeback 2022.


Noong 2019, matatandaang nagsara ang Star City dahil sa damage na tinamo nito sa naganap na sunog.


Ito ay matatagpuan sa CCP Complex sa Pasay City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page