ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 29, 2020
Patay ang walong motorist sa naganap na ambush sa Barangay Aringay, Kabacan, Cotabato nitong Sabado ng tanghali.
Ayon kay chief of the Kabacan municipal police station Major Peter Pinalgan, limang armadong kalalakihan ang nagpaputok ng “high-powered long guns” sa mga biktima.
Pinabulaanan din ni Kabacan ang alegasyong pulis ang mastermind ng naturang ambush.
Aniya, “The PNP was not behind the attack. Kabacan PNP personnel just responded to the crime scene and conducted pursuit operations against the perpetrators.”
Kasalukuyan pa ring inaalam ang pagkakakilanlan sa mga biktima gayundin, patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.