top of page
Search

ni Zel Fernandez | April 19, 2022



Nagbigay-pugay ang Filipino-Chinese business community sa yumaong Philippine Ambassador to China na si Jose Santiago "Chito" Sta. Romana, ayon kay Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) President Dr. Henry Lim Bon Liong sa naging pahayag nito sa media.


“The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) and the Filipino Chinese business community condole with the family and loved ones of the late Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana, whose sad and untimely demise is a great loss to the Philippines.


“We pay tribute to the outstanding record of diplomatic service, patriotism, wisdom and professionalism of Ambassador Chito Sta. Romana, most especially his contributions to the success of President Rodrigo R. Duterte’s independent foreign policy and the normalization of our vital diplomatic relations of the Philippines with our traditional trade partner and ancient ally China”, ani FFCCCII President Dr. Lim.


Sa hiwalay namang pahayag sa ginanap na press briefing ng Communications Secretary at acting presidential spokesperson na si Martin Andanar, ipinarating din nito ang pakikiramay ng Malacañang sa pagpanaw ng embahador, “Nagbibigay-pugay kami kay Ambassador Sta. Romana sa kanyang mga nagawa para tumibay ang (we are paying tribute to Ambassador Sta. Romana for his contributions to strengthen the) Philippine-China relations. Our thoughts and prayers to the Sta. Romana family,” aniya.


Mula sa pamunuan ng pahayagang BULGAR, taos-puso po naming ipinaaabot ang pakikidalamhati at pakikiramay sa mga naulila ni Ambassador Chito Sta. Romana.



 
 

ni Lolet Abania | March 2, 2021



Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na sibakin sa puwesto ang dating embahador ng Pilipinas sa Brazil na nahuli-cam sa pananakit sa kanyang kasambahay.


Sa naganap na televised address ni Pangulong Duterte ngayong Lunes, binanggit nitong kanselado na ang eligibility ni Marichu Mauro bilang opisyal ng pamahalaan.


Walang matatanggap na retirement benefits si Mauro kahit na siya ay isang opisyal.


Gayundin, hindi na siya maaaring humawak ng anumang posisyon sa gobyerno at hindi na papayagang kumuha ng civil service examination.


Mula noong Marso, 2016, naging kinatawan ng Pilipinas sa Brazil si Mauro at naitalaga sa serbisyo sa foreign service mula noong Pebrero, 1995.


Matatandaang noong Oktubre 2020, pinauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa bansa si Mauro matapos na lumabas sa mga report ang video ng pagmamaltrato niya sa kanyang kababayang kasambahay.


Gayunman, ayon sa DFA, unang pinauwi sa bansa ang kanyang kasambahay habang tinutulungan ito ng non-profit OFW group na Blas F. Ople Policy Center para sa legal at livelihood assistance.


Una nang tiniyak ni DFA Secretary Teodoro Locsin na tututukan nila ang kaso ni Mauro at hindi nila ito bibitawan upang maipatupad ang batas na nararapat para rito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page