ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 9, 2021
Naitala ng PHIVOLCS ang limang phreatomagmatic eruptions sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras at kasalukuyan pa rin itong nakataas sa Alert Level 3.
Nagkaroon din ng 58 volcanic earthquakes at patuloy pa rin ang malakas na pagsingaw o steam-rich plumes sa main crater ng Bulkang Taal na aabot sa 1,200 metro.
Samantala, ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang “pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel, pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal, at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.”