top of page
Search

ni Lolet Abania | October 13, 2021



Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong Miyerkules ang rekomendasyon na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3 simula Oktubre 16 hanggang 31, 2021.


Sa ilalim ng Alert Level 3, maraming establisimyento bukod pa sa mga restaurants at personal care services ay papayagan nang mag-operate ng 30% ng venue capacity anuman ang vaccination status ng mga kustomer.


Ang mga establisimyento na papayagang mag-operate sa ilalim ng Alert Level 3 ay museums, libraries, internet cafes, billiard halls, amusement arcades, casinos, cockfighting, lottery, gyms, spas, leisure centers at iba pa.



 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 22, 2021



Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 35 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras na pagmamanman simula alas-5:00 nang umaga kahapon hanggang alas-5 AM ngayong Huwebes at nananatiling nakataas ang Alert Level 3.


Kabilang sa naitalang 35 volcanic earthquakes ang 17 tremors na may habang 1 hanggang 49 minuto.


Patuloy pa ring naglalabas ng volcanic sulfur dioxide (SO2) ang Bulkang Taal at nakapagtala ang PHIVOLCS ng 5,286 tonelada noong Sabado.


Umaabot naman sa 900 metro ang taas ng steam-rich plumes mula sa main crater ng bulkan bago mapadpad sa silangan dulot ng upwelling ng mainit na volcanic gas.


Samantala, patuloy na ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang “Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel, pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal, at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.”


Saad pa ng PHIVOLCS, “Ang Alert Level 3 (Mataas na aktibidad) ay kasalukuyang nakataas sa Taal Volcano. Sa kalagayang ito, ang magma na nanunuot sa main crater ay maaaring magdulot ng malakas na pagsabog.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 17, 2021



Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 99 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras simula alas-5 nang umaga kahapon hanggang alas-5 AM ngayong Sabado at nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 3.


Naitala rin ng PHIVOLCS ang 90 volcanic tremors na may habang 1 hanggang 11 minuto.


Patuloy pa ring naglalabas ng mataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide (SO2) ang bulkan at noong Biyernes, umabot ito sa sukat na 6,574 tonelada.


Umaabot naman sa taas na 1,200 meters ang steam-rich plumes mula sa main crater ng Bulkang Taal.


Samantala, ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang “Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel, pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal, at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.”


Paalala rin ng PHIVOLCS sa publiko, manatiling alerto dahil posible umanong maganap ang: “Biglaang malakas na pagsabog, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, pag-ashfall, at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page