top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 6, 2022



Isasailalim ang Laguna sa Alert Level 3 simula January 7 hanggang January 15, 2022 dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases, ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles.


Ito ay matapos ang pagsirit ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.


“The Inter-Agency Task Force (IATF) approved tonight, January 5, 2022, the recommendation of its sub-Technical Working Group on Data Analytics to escalate Laguna to Alert Level 3, due to the rising number of Covid-19 cases in the province," ani Cabinet Secretary Karlo Nograles.


Nauna nang isailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila mula Jan. 3 hanggang 15, kasunod ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, at Rizal mula Jan. 5 hanggang 15.


Sa ilalim ng Alert Level 3, pinagbabawal ang pagsasagawa ng mga sumusunod:


* face-to-face classes in basic education

* contact sports

* funfairs

* karaoke bars, clubs, concert halls, theaters

* casinos, horse racing, cockfighting, operation of cockpits, lottery and betting shops, and other gaming establishments — maliban sa mga bibigyang-pahintulot ng IATF o ng Office of the President

* social gatherings kung saan hindi kabilang sa iisang household ang mga dadalo

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 4, 2022



Naghahanda na ang ilang negosyo sa pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Bulacan simula bukas.


Dismayado ang ilan sa paghihigpit pero pabor ang marami para bumaba muli ang kaso ng COVID-19 at mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant.


“Ang hirap, kasi ngayon pa lang kami nakakabawi tapos balik na naman sa paghihigpit. Ang pangit ng simula ng taon sa’min,” ani Pau Reyes, carenderia owner.


Isasailalim sa Alert Level 3 ang Bulacan kabilang ang Cavite at Rizal dahil sa muling pagsipa ng bilang ng kaso COVID-19 at sa posibilidad na pagkalat ng Omicron variant.


Sa ilalim nito, 30% lamang ang total capacity na papayagan sa mga indoor recreational venues ay 50% kung outdoor.


Pahayag naman ni Jerome Gonzales, isang business owner, muli na naman silang magtitipid upang hindi maging malaki ang epekto ng alert level 3 sa kanilang negosyo.


“Magbabawas ng gamit sa kuryente saka bawas-tauhan muna ulit. Wala, eh, no choice naman kundi sumunod kaya gawa na lang kami ng paraan para ‘di malugi.”


Sa ngayon ay wala pang inilalabas na guidelines ang pamahalaang lalawigan ng Bulacan hinggil sa pagpapatupad ng Alert Level 3 sa lugar.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 4, 2022



Nakatakdang isailalim sa Alert Level 3 ang mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, at Rizal, mula January 5 hanggang January 15, 2022, dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19, ayon sa Malacañang.


"Due to a sharp increase of COVID-19 cases in the particular localities, the Inter-Agency Task Force (IATF) approved yesterday, January 3, 2022, the recommendation of its sub-Technical Working Group on Data Analytics to escalate Bulacan, Cavite, and Rizal to Alert Level 3," ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles.


"This shall take effect from January 5, 2022, until January 15, 2022," dagdag niya.


Nauna nang isinailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila mula January 3 hanggang January 15.


Sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga establisimyento ay papayagang mag-operate ng 30 percent indoor capacity sa mga fully vaccinated individuals at 50 percent sa mga outdoor venue capacity basta ang mga empleyado ay fully vaccinated na.


Ipinagbabawal din ang face-to-face classes, contact sports, perya, at casino sa ilalim ng Alert Level 3.


Ang trabaho sa government offices ay limitado lamang sa 60% ng kanilang onsite capacity.


Nitong Lunes, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 4,084 kaso ng COVID-19, kung saan ang kabuuang tally sa bansa ay umabot na ng 2,855,819.


Ang mga kasong naitala noong Lunes ay mas mataas sa expected prediction ng OCTA Research na nasa 3,000 hanggang 3,500 new infections.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page