ni Lolet Abania | October 29, 2021
Pinalawig pa ng gobyerno sa Alert Level 3 classification ang National Capital Region (NCR) ng hanggang unang dalawang linggo ng Nobyembre, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.
Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang NCR at 10 iba pang lugar ay isasailalim sa Alert Level 3 mula Nobyembre 1 hanggang 14, 2021.
Bukod sa NCR, nasa Alert Level 3 din ang Baguio City (isinama bilang isang lugar para sa special monitoring), Bataan, Cavite, Laguna, Rizal, Iloilo City, Siquijor, Lanao del Norte, Davao City, Davao del Norte.
“Inuunti-unti natin ang pagbaba ng alert system para hindi sumipa ang COVID-19 cases,” paliwanag ni Roque kung bakit ang NCR ay mananatili sa ilalim ng Alert Level 3.
Sa ilalim ng Alert Level 3, maraming establisimyento, kabilang na ang mga restaurants, gyms, cinemas at movie houses ang papayagan nang mag-operate ng 30% indoor venue capacity na para lamang sa mga indibidwal na fully vaccinated at 50% outdoor venue capacity, subalit lahat ng mga empleyado ay fully vaccinated na.
Gayunman, ayon kay Roque, inaprubahan na ngayon ng pamahalaan na madagdagan ang operational capacity para sa pampublikong transportasyon ng hanggang 70% simula sa Nobyembre 4.
“The DOTr (Department of Transportation) will issue a memo on this,” sabi Roque. Sa pareho ring briefing, inianunsiyo naman ni Roque na ang Aurora, Bacolod City, Negros Oriental at Davao Occidental ay isasailalim sa Alert Level 4.
Samantala, ang mga lugar na isasailalim sa Alert Level 2 ay ang mga sumusunod:
• Angeles City
• Bulacan
• Nueva Ecija
• Olongapo City
• Pampanga
• Tarlac
• Batangas
• Quezon
• Lucena City
• Aklan
• Antique
• Capiz
• Guimaras
• Iloilo
• Negros Occidental
• Bohol
• Cebu City
• Lapu-Lapu City
• Mandaue City
• Cebu
• Bukidnon
• Cagayan de Oro City
• Camiguin
• Iligan City
• Misamis Occidental
• Misamis Oriental
• Davao de Oro
• Davao del Sur
• Davao Oriental