top of page
Search

ni Lolet Abania | February 14, 2022



Mananatili ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 2 hanggang Pebrero 28, 2022, ayon sa Malacañang ngayong Lunes.


Sa inilabas na anunsiyo, sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na ang mga lugar na isasailalim sa Alert Level 3 ay Iloilo City, Iloilo province, Guimaras, Zamboanga City, Davao de Oro, Davao Occidental, South Cotabato.


Ginawa ng Malacañang ang pahayag, matapos na ang Metro Manila Council (MMC), na binubuo ng 17 alkalde sa NCR, ay napagkasunduan na i-extend sa ilalim ng Alert Level 2 ang rehiyon hanggang sa katapusan ng Pebrero.


Sa ilalim ng Alert Level 2, ang ikalawa sa pinakamababang bagong alert level system ng bansa, ang mga partikular na establisimyento at mga aktibidad ay pinapayagan na sa 50% capacity indoors para sa fully vaccinated adults (at minors, kahit hindi pa nabakunahan), at 70% capacity outdoors.


Sa ilalim naman ng Alert Level 3, maraming establisimyento ang pinapayagan na mag-operate ng 30% indoor venue capacity subalit para lamang sa fully vaccinated individuals, at 50% outdoor venue capacity habang ang mga empleyado ay dapat fully vaccinated na.


Ang in-person classes, contact sports, fun fairs, perya, at casinos ay ilan sa mga aktibidad at establisimyento na ipinagbabawal na mag-operate sa ilalim ng Alert Level 3.

Ang iba pang lugar na isasailalim sa Alert Level 2 mula Pebrero 16 hanggang 28 ay ang mga sumusunod:


Sa Luzon:


• Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region;

• Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa Region I;

• Batanes, City of Santiago, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino sa Region II;

• Bulacan, Angeles City, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales sa Region III;

• Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Lucena City at Quezon Province sa Region IV-A;

• Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Puerto Princesa City at Romblon sa Region IV-B;

• Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Naga City at Sorsogon sa Region V.


Sa Visayas:


• Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz at Negros Occidental sa Region VI;

• Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor sa Region VII;

• Ormoc City, Tacloban City, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Western Samar, Biliran at Southern Leyte sa Region VIII.


Sa Mindanao:


• City of Isabela, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay sa Region IX;

• Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental sa Region X;

• Davao City, Davao del Sur, Davao del Norte at Davao Oriental sa Region XI;

• General Santos City, North Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat sa Region XII;

• Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Butuan City at Dinagat Islands sa Region XIII (CARAGA);

• Basilan, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, Cotabato City at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

 
 

ni Lolet Abania | January 30, 2022



Isinailalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang National Capital Region (NCR) at pitong lalawigan sa Alert Level 2 simula Pebrero 1 hanggang 15, ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ngayong Linggo.


Ang iba pang lugar sa ilalim ng Alert Level 2 ay Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan.


Sa ilalim ng Alert Level 2, ikalawa sa pinakamababa sa bagong alert level system ng bansa, ang mga establisimyento at aktibidad ay pinapayagan sa 50% capacity indoors para sa mga fully vaccinated adults (at kabataan, kahit hindi pa bakunado), at 70% capacity outdoors.


Gayundin, sa Alert Level 2 ang pagpapatupad ng polisiya na “no vaccination, no ride”, kung saan bawal ang mga hindi bakunadong indibidwal sa Metro Manila na pasakayin sa mga public transport ay suspendido, batay na rin sa naunang pahayag ng Department of Transportation (DOTr).


Samantala, ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 ay ang mga sumusunod:


• Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga and Mountain Province

• Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union and Pangasinan

• Region II: City of Santiago, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya and Quirino

• Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac and Zambales

• Region IV-A: Batangas, Laguna, Lucena City and Quezon Province

• Region IV-B: Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro and Puerto Princesa City

• Region V: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Naga City and Sorsogon

• Region VI: Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz, Iloilo City, Iloilo, Negros Occidental and Guimaras

• Region VII: Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Bohol, Cebu, Negros Oriental and Siquijor

• Region VIII: Ormoc City, Tacloban City, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar and Western Samar

• Region IX: City of Isabela, Zamboanga City, Zamboanga Del Sur, Zamboanga del Norte and Zamboanga Sibugay

• Region X: Bukidnon, Cagayan de Oro City, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental and Misamis Oriental

• Region XI: Davao City, Davao Del Sur, Davao Del Norte, Davao Oriental and Davao de Oro

• Region XII: General Santos City, North Cotabato, Sarangani, South Cotabato and Sultan Kudarat

• Region XIII: Surigao del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, Agusan del Sur and Butuan City

• Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Maguindanao, Cotabato City and Lanao Del Sur.


Ayon kay Nograles, ang alert status para sa Ifugao ay aaprubahan naman ng IATF sa Enero 31.


Sa ilalim ng Alert Level 3, maraming establisimyento ang pinayagang mag-operate ng 30% indoor venue capacity subalit para lamang ito sa mga fully vaccinated individuals, at 50% outdoor venue capacity basta ang mga empleyado ay fully vaccinated na.


Ang trabaho naman sa mga government offices ay limitado rin sa 60% ng kanilang onsite capacity.


Matatandaang isinailalim ng gobyerno ang NCR at tinatayang 50 iba pang lugar sa Alert Level 3 noong Enero 16 hanggang 31 dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

 
 

ni Lolet Abania | December 3, 2021



Ipinahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Biyernes na ang in-person Christmas parties ay papayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 , subalit dapat pa ring sumunod sa mga health protocols at limitado ito sa 50% venue capacity.


“In Alert Level 2 areas, it is allowed at 50% venue capacity, and additional 10% if the venue has a safety seal, minimum public health standards such as wearing of face mask, social distancing, should be strictly observed, too,” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa briefing.


“If these Christmas parties violate these, then the safety seal will be revoked and the business permit of the establishment will be suspended,” dagdag ni Malaya.


Ang Metro Manila ay nananatili pa rin sa Alert Level 2 hanggang Disyembre 15.


Sa ilalim ng Alert Level 2, ikalawa sa pinakamababa sa bagong ipinatutupad na COVID-19 alert level system, papayagan ang mga establisimyento at mga aktibidad nito sa 50% indoor capacity para sa fully vaccinated na nasa edad na o adults (at minors, kahit hindi pa bakunado) at 70% capacity para naman sa outdoor events.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page