top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | September 13, 2023




Isang misteryosong golden egg ang natuklasan ng mga American scientist sa kailaliman Alaskan seafloor, ngunit walang nakakaalam kung ano ito.


Gumamit ng remote operated survey vehicle ang mga ocean researcher at namangha nang makita nila ang kakaibang bagay sa isang bato na may lalim na 3,300 meters sa Gulf ng Alaska.


Habang kumakalat ang mga teorya sa social media, kabilang na ito umano ay isang alien egg, kinuha ng mga scientist ang kanilang natuklasan upang pag-aralan sa laboratory.


Nananatili pa ring hindi malinaw kung ang natuklasang golden egg ay may kaugnayan sa mga kilalang species, o kung ito ay isang bagong species.


Ang pag-dive ay bahagi ng isang ekspedisyon sa Gulf ng Alaska upang matuklasan pa ang deepwater habitats.



 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 6, 2021




Pumanaw na ang American basketball player na si Galen Young dulot ng vehicular accident, kung saan isang sasakyan ang sumalpok sa kanyang tinutuluyan sa 4589 Horn Lake Road, Memphis.


Ayon sa Memphis Police Department, “At 2:42 am, officers responded to a crash at 4589 Horn Lake Rd. where a vehicle crashed into the house. After the crash investigation, Young, 45, was located inside the residence and pronounced deceased. A citation was issued to the driver. The investigation is ongoing.”


Si Young ay kilala bilang Aces’ import player ng Philippine Basketball Association (PBA) nu’ng 2000. Naglaro siya kasama ang San Miguel Beer nu’ng 2007. Nakalaro rin niya ang Alaska noong 2004 at 2009.


Nagpaabot naman ng pakikidalamhati si Alaska coach Jeff Cariaso.


Sabi nito, "This breaks my heart. Galen was one of my favorite imports to play with. Not only was he a warrior on the court, he was an even better friend off it.”


“Prayers for his family during this tough time. Rest well in heaven my friend,” dagdag ni Cariaso.

 
 

ni Lolet Abania | May 31, 2021



Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang US state na Alaska ngayong Lunes, ayon sa United States Geological Survey (USGS).


Ayon sa USGS, ang lindol ay may lalim na 58.2 kilometro o 36.2 miles at nasa layong 161 kilometrong north ng Anchorage.


Dakong alas-10:59 ng gabi, local time ng Linggo (0659 GMT ng Lunes; alas-2:59 ng hapon, oras sa Pilipinas), naramdaman ang pagyanig sa malaking bahagi ng Alaskan interior, ayon sa Alaska Earthquake Center.


Wala namang inilabas na tsunami warning ang National Tsunami Warning Center ngayong 2343 local time ng Linggo, oras sa nasabing bansa.


Sa hiwalay na report, ang European-Mediterranean Seismological Centre (EMSC) at ang GFZ German Research Center for Geosciences (GFZ) ay nag-ulat na nasa magnitude 6.1 ang naganap na lindol sa Alaska.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page