top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | July 31, 2023




Hinimok ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pamahalaan na gawin ang tama at huwag idaan sa lakas ang pagtugon sa West Philippine Sea (WPS).


Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos ang debate sa Senado tungkol sa Senate Resolution 659 na inihain ni Sen. Risa Hontiveros.


Layon ng resolusyon na hikayatin ang Philippine government sa pamamagitan ng

Department of Foreign Affairs na maghain ng resolusyon sa United Nations General Assembly na mananawagan sa China na itigil na ang pangha-harass sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa WPS.


Dapat umanong magpatuloy ang diskusyon sa WPS at kailangan ng “maturity” sa pagtugon sa problema at pagbuo ng istratehiya.


Sinabi rin ng mambabatas na dapat maalam ang bansa sa usapin ng geopolitics at maging sensitibo sa mga galaw ng magkakaribal na makapangyarihang mga bansa.


Unang sinabi ni Cayetano sa plenaryo na kaisa siya ng mga senador sa panawagan na itigil ng China ang harassment sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, pero iginiit niya na dapat maging maingat sa kung anong istratehiya ang gagawin na hindi ikakahina ng bansa sa harap ng international community.


Sinabi rin ni National Security Adviser Eduardo Año na dapat pinag-iisipan at pinag-uusapan nang maayos ang isyu bago gumawa ng anumang hakbang lalo na kung ito ay tungkol sa pag-akyat sa UNGA.



 
 

ni Lolet Abania | October 7, 2021



Inianunsiyo ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano ngayong Huwebes na tatakbo siyang senador sa 2022 national elections.


Ito ang naging pahayag ni Cayetano na kanyang political plan sa isang press conference sa Taguig City.


Una nang sinabi ni Cayetano na kinokonsidera niyang tumakbo sa pagka-pangulo dahil aniya ito sa paglaganap ng mga online casino at cockfights o sabong.


Subalit, nagdesisyon ang mambabatas na huwag itong ituloy dahil aniya, magdudulot lamang ito ng dibisyon kapag tumakbo siyang presidente.


Ang dating Speaker ay naging miyembro na rin ng Senado mula 2007 hanggang 2017, habang ang kanyang kapatid na si Pia Cayetano ay isang incumbent senator.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 3, 2020




Pormal nang itinalaga ng House of Representatives si Speaker Alan Peter Cayetano bilang tagapangalaga ng Camarines Sur 1st District sa ginanap na plenary session nitong Miyerkules.


Saad ni Deputy Majority Leader Wilter Wee Palma II, “Mr. Speaker, in the interest of the people of the 1st District of Camarines Sur, I move that we designate the Speaker, Alan Peter ‘Campañero’ S. Cayetano, as the legislative caretaker of the 1st District of Camarines Sur.”


Wala namang tumutol sa naturang pahayag ni Palma.


Ang dating tagapangalaga ng Camarines Sur 1st District ay si Marissa Andaya na pumanaw nitong July 5 dahil sa sakit na cancer.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page