top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 7, 2021



Mas pinaikli na ang curfew hours sa Aklan matapos itong isailalim sa Alert Level 2.


Sa inilabas na advisory ni Aklan Governor Florencio Miraflores, epektibo Biyernes ng gabi, ang curfew na ay magsisimula mula 11:00 p.m. hanggang 4:00 a.m.


Bukod pa rito, apat na ang puwedeng isakay na pasahero sa mga bumibiyaheng tricycle mula sa dating dalawa.


Pinalawig rin ang business operations kung saan puwede nang mag-operate mula 6:00 a.m. hanggang 10:00 p.m.


Ayon sa gobernador, makakatulong ito para sa pagbangon ng ekonomiya ng lalawigan dahil madadagdagan ang operating hours ng mga establishments na nag-o-operate sa gabi.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 6, 2021





Isinailalim sa lockdown ang Provincial Health Office (PHO) at ang Madalag Public Market sa Aklan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 simula noong Huwebes, ika-4 ng Marso.


Ayon sa ulat, limang kawani ng health office ang nagpositibo sa COVID-19 habang 6 na vendors naman sa palengke.


Nasa quarantine facility na ang mga nagpositibo at sumasailalim na rin sa 14-day quarantine ang mga naging close contacts nila.


Inaasahang bubuksan ang palengke sa Lunes, Marso 8. Samantala, wala pang petsa kung kailan muling magbubukas ang health office.


Sa ngayon ay bibigyang-daan ng lungsod ang pagdi-disinfect sa paligid kontra COVID-19.

 
 

ni Lolet Abania | January 20, 2021




Pansamantalang isasara at isasailalim sa lockdown ang Kalibo International Airport sa Kalibo, Aklan mula Enero 19 hanggang Enero 21 para sa disinfection.


Ito ay matapos dumami ang bilang ng kaso ng may COVID-19 mula sa mga airport employees.


Noong Enero 15, nag-isyu ng isang memorandum ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang isailalim sa lockdown sa mga nasabing petsa ang lahat ng lugar sa paliparan para sa pagsasagawa ng "complete disinfection”.


Ayon sa CAAP, sarado ang Passenger Terminal Building, ARFF Station at CAAP Administrative Office. Ibabalik ang normal operation ng paliparan sa Enero 22.


Kamakailan, naiulat ng Provincial Health Office na 11 CAAP employees ang nagpositibo sa test sa COVID-19 sa isinagawang mass testing sa lahat ng empleyado.


Samantala, nitong Enero 17, ang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa Aklan ay umabot sa 547, kung saan sa nasabing bilang, 80 ang active cases, 19 ang namatay at ang natira rito ay nakarekober na sa sakit.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page