ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 1, 2020
Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga namatay sa magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Aegean Sea na yumanig sa Turkey at Greece noong Biyernes ng hapon.
Twenty-five sa mga nasawi ay mula sa coastal areas ng Turkey habang dalawang menor-de-edad, lalaki at babae, ang namatay sa Greek island of Samos matapos mabagsakan ng gumuhong pader.
Ayon kay Mayor Tunc Soyer, 20 gusali ang gumuho sa Turkey sa siyudad ng Izmir. Tinatayang aabot naman sa 800 katao ang sugatan sa Turkey, ayon sa disaster agency ng bansa.
Nakapagtala ng 470 aftershocks ang naturang lindol kung saan 35 sa mga ito ay higit sa 4.0 magnitude. Patuloy naman ang pagsasagawa ng search and rescue operations sa mga apektadong lugar.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), magnitude 7.0 ang naganap na lindol at mas mababang magnitude 6.6. naman ang tala ng Turkish authorities.