top of page
Search

ni Lolet Abania | May 11, 2021




Isinailalim ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa state of calamity dahil sa matinding krisis na nararanasan ng bansa sa African swine fever (ASF), partikular na sa hog industry.


Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ilalim ng Presidential Proclamation 1143 na inisyu nitong Lunes at inilabas ngayong Martes.


Nakasaad sa Proclamation 1143, na simula nang unang naiulat ito sa bansa noong 2019, ang ASF ay labis na nakaapekto sa 12 rehiyon, habang nagdulot ito ng matinding pagbaba ng populasyon ng tinatayang tatlong milyong baboy na nagresulta rin sa mahigit P100 bilyong halaga ng pagkalugi sa mga local hog sectors at allied industries at pagtaas ng bentahan ng mga pork products.


“There is hereby declared a State of Calamity throughout the Philippines on account of the ASF outbreak, for a period of one year beginning this date, unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant,” ayon sa proclamation.


Dagdag pa rito, ang pagdedeklara nito sa bansa ay makapagbibigay sa pamahalaan at sa mga local government units (LGUs) ng panahon para magkaroon ng kaukulang pondo, kabilang na ang Quick Response Fund at upang matugunan ang problema sa patuloy na pagkalat ng ASF at para maibalik sa normal ang mga lugar na apektado ng ASF.


“There is an urgent need to address the continued spread of ASF and its adverse impacts, to jumpstart the rehabilitation of the local hog industry, and to ensure the availability, adequacy and affordability of pork products, all for the purpose of attaining food security,” nakapaloob sa proclamation.


“All government agencies and LGUs are enjoined to render full assistance to and cooperation with each other , and mobilize the necessary resources to undertake critical, urgent and appropriate measures in a timely manner to curtail the further spread of ASF, address the supply deficit in pork products, reduce retail prices, and jumpstart the rehabilitation of the local hog industry,” pahayag sa proclamation.


 
 

ni Lolet Abania | May 4, 2021




Bumuo ang Department of Agriculture (DA) ng isang research team upang alamin ang potensiyal na maaaring ibigay ng antiparasitic drug na Ivermectin para maiwasan at makontrol ang pagkalat ng African swine fever (ASF).


Sa isang Special Order No. 310, series of 2021, na may petsang April 30, 2021, iniutos ni DA Secretary William Dar na magtatag ng isang research team kung saan tututok sa ASF control and prevention upang maresolbahan ang krisis sa nasabing sakit.


“The research team is tasked to prepare research proposals on the use of Ivermectin, ASF Buster, Cloud Feed and other potential products for the control and prevention of ASF,” ayon sa inilabas na special order ng DA.


“The team is also directed to conduct preliminary field trials of Ivermectin and other agents to produce science-based evidence in support to control and prevention programs of ASF,” dagdag pa ng DA.


Binubuo ang team ng mga technical advisers, kabilang na sina DA Undersecretary William Medrano, National Livestock Program Director Dr. Ruth Miclat-Sonaco, at Bureau of Animal Industry (BAI) officer-in-charge Director Dr. Reildrin Morales.


Inilagay din bilang program leader si BAI OIC-Assistant Director Dr. Rene Santiago habang si Philippine Carabao Center OIC-Deputy Executive Director for Production and Research Dr. Claro Mingala ay assistant program leader.


Ang mga project leaders naman ng research team ay sina National Dairy Authority Deputy Administrator Dr. Farrel Benjelix Magtoto, Pampanga State Agricultural University Associate Professor Dr. Rogelio Carandang, Jr., at BAI Livestock Research and Development Division chief Dr. Marivic de Vera.


Nakasaad pa sa special order na inaatasan ang research team, “to formulate and draft science-based policies for National Guidelines in using Ivermectin and other agents in the control and prevention programs of ASF and collaborate with international research and institution to conduct experiments to support claims in the use of Ivermectin and other agents.”


Matatandaang nagbigay ng matinding atensiyon sa publiko ang Ivermectin dahil sa sinasabing magagamit itong gamot kontra-COVID-19.


Gayunman, hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang pag-inom ng tinatawag na human-grade Ivermectin sa Pilipinas. Ayon sa batas, ang Ivermectin ay maaari lamang i-prescribe sa mga hayop.


Subali't, ang FDA ay nagbigay na ng compassionate use permit para sa paggamit ng Ivermectin sa mga tao laban sa COVID-19 sa limang ospital.


Ayon naman sa FDA, ang pag-isyu nila ng compassionate use permit ay hindi nangangahulugan na ginagarantiya ng ahensiya ang safety at efficacy nito, bagkus, pinayagan lamang nila ito para sa legal administration ng gamot sa bansa.


Samantala, ang resulta ng clinical trials ng Ivermectin bilang treatment sa COVID-19 ng Department of Science and Technology (DOST) ay posibleng lumabas sa Enero 2022.


 
 

ni Lolet Abania | April 28, 2021




Sinimulan na ng Bureau of Animal Industry ang trial para sa isang bakuna kontra-African swine fever na gawa ng isang US company. Ayon kay BAI Director Reildrin Morales, napili ang 10 farm na mula sa Luzon base sa pagnanais nilang sumali sa trial at kanilang biosecurity.


“These are vaccines that are not yet registered so kailangang controlled ‘yung lugar where we are conducting the trial,” sabi ni Morales. “Meaning to say, if and when there’s a necessity to stop the trial and do some necessary interventions, we can do that immediately in a biosecured facility,” ani Morales.


Sa ginawang trial, pinagsama-sama ang mga baboy na tinurukan na ng vaccine at mga wala pang bakuna sa isang farm, saka oobserbahan ang mga ito sakaling napasok ng ASF ang nasabing farm. Dito malalaman kung magiging epektibo ang pagbabakuna kontra-ASF.


“We will observe kung halimbawa, let us say we will relax the biosecurity, kung magkakaroon ng challenge doon sa farm, ibig sabihin, napasok ba ‘yung farm, tinamaan ba ‘yung control, ‘yung vaccinated ay ‘di tinamaan? So, there are a lot of parameters,” paliwanag pa ni Morales.


Gayunman, ayon kay Department of Agriculture Secretary William Dar, bumababa na ang kaso ng ASF sa mga baboy sa bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page